Vincent Daffalong, "first rapper of the Philippines," is dead

IMAGE FilmAcademy.org/ File

The death of The First Rapper of the Philippines Vincent Daffalong, 64, was caused by heart complications.


Sumakabilang-buhay na si Vincent Daffalong noong October 19, sa edad na 64.

Komplikasyon sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng '80s novelty singer na kilala bilang Vincent de Castro sa tunay na buhay.

Ang balita ay galing mismo sa kanyang anak na si China Quilet sa pamamagitan ng isang Facebook post.

"To my dearest dad, Your fight is finally over, I'm so proud of you daddy. You've been so strong and brave.

"It hurts to even write this right now, but I just want to let you know how much I love you, and we are all letting go so you can be at peace.

"I'm so glad I got to spend so much time with you these past years.

"Your songs will forever be in my heart. You will forever be remembered by so many people especially your fans.

"You're a legend and your memory will never be forgotten. You've achieved great things in life and those achievements will never go unnoticed. The first rapper of the Philippines 'King of rap,' singer, actor, composer, song writer, and comedian.

"I love you, i love you, i love you and I can repeat it forever. I'm gonna miss our jamming sessions daddy doo, most especially... I'm gonna miss you.

"Your butching/buteng/bunso, China Quilet ”

Si Daffalong ang sinasabing pinakaunang Pinoy rapper dahil naging big hit ang single niyang “Mahiwagang Nunal.”

Bukod dito, naging hit din ang dalawa niyang singles na "Ispraken Delight" and "Machoching," at nakagawa siya ng ilang awitin para sa ibang singers, kabilang na rito ang trio nina Tito, Vic, and Joey.

Noong kasikatan niya bilang novelty singer, napabilang siya sa comedy films, tulad ng Pabling, Palpak Connection, Batangueno Kabitentyo, SPO1 Don Juan: Da Dancing Policeman, Matinik Na Bading… Mga Syokeng Buking, Law Law Gang, at Yakman: D’Gigil King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2012 noong huling nagka-proyekto sa showbiz si Daffalong. Nang lisanin niya ang showbiz, naging radio DJ at event organizer siya.

Noong hindi pa ito naging masasakitin, parati rin daw itong naiimbitahan sa mga fiesta at events abroad na organized ng Filipino communities.

Binigyan siya ng screen name na Daffalong dahil sa kakaibang hugis ng kanyang ilong.

Sa Mortuary Immaculate Conception Parish sa Balayan, Batangas, nakaburol si Daffalong, at nakatakdang ihimlay ang kanyang mga labi sa October 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN