Former action star Baldo Marro dies at the age of 69

IMAGE Mell Navarro on Facebook

Former actor star and stunt director Baldo Marro dies at the age of 69.


Sumakabilang-buhay na kaninang madaling araw, October 22, ang dating action star at stunt director na si Teodoro Galan Baldomaro o mas kilala bilang Baldo Marro.

Siya ay 69 years old.

Nag-post sa Facebook si Bacoor City Mayor Lani Mercado tungkol sa pagpanaw ng stunt director na ilang beses nakatrabaho ng asawang si Bong Revilla sa mga action films nito.

Ngayong gabi, dadalhin sa Samson Funeral Homes sa Bacoor, Cavite, ang mga labi ni Baldo.

Saad ni Lani, "Our condolences to the family of a very dear friend Teodoro Galan Baldomaro.

"Baldo Marro as he is known in showbiz has been part of the careers of almost all action stars including Ramon Bong Revilla Jr.

"He has been Bong Revilla Jr.’s fight director in almost all his movie and TV projects. We will miss you, Kuya Baldo.

"His wake will be at Samson Funeral Homes along Tirona [Highway] City of Bacoor later in the evening."


Nagparating din ng pakikiramay ang aktres na si Ina Feleo sa isang Facebook post.

Nakatrabaho ni Ina ang yumaong stunt director sa Kapuso afternoon drama series na Hanggang Makita Kang Muli, na pinagbidahan nina Bea Binene at Derrick Monasterio.

Aniya, "Labyu Tay Baldo. Salamat sa proteksyon mo sa lahat ng maseselang eksena.

"Isang karangalan na nakatrabaho kita at yung kwento mo sa akin nung si daddy pa ang tinuturuan mo ng fight scene sa una niyang pelikula."

Anak si Ina ng yumaong actor/director na si Johnny Delgado.

Dugtong niya, "Ang hirap paniwalaan:( Nakikiramay ako sa mga naiwan mong mahal sa buhay. Napakaraming nagmamahal sa 'yo."


Health complications ang naging sanhi ng pagpanaw ng dating aktor, ayon sa text message na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa anak ni Baldo na si Monching Baldomaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi nito: "3 days after dinala namin siya sa chinese general. Na check lahat pwedeng i-check sa kanya.

"Ang na find out lang is Denque but suddenly gumaling agad siya. Malakas na siya kaya umuwi na kami at nagpahinga na siya sa bahay. Ready for taping na.

"Sadly po nung gabi nilagnat na naman siya. After two days dinala na namin siya sa St. Dominic Hospital kasi sumuka na po siya ng dugo. And from emergency transfer siya sa ICU...

"Nakuha namin result kinabukasan ok naman lahat sabi ni doctor normal lahat liver, blood pressure, etc. Except sa ulcer niya may butas ang bituka. Nag-normalize naman po lahat.

"Pero nung gabi nagsuka na naman siya ng dugo tapos nirevive siya almost 10 times. di na kinaya ni tatay... ang sakit po ang bilis ng pangyayari. Binigla kmi ng tatay."

Dating taxi driver si Baldo bago nito pasukin ang mundo ng pelikula dahil sa idolong aktor na si Jess Lapid Jr.

Kabilang sa mga aktor na nakatrabaho niya ay sina Lito Lapid, Robin Padilla, at ang yumaong si Rudy Fernandez.

Noong 1988, naging bida si Baldo sa pelikulang Patrolman, kung saan naiuwi nito ang Best Actor award sa Metro Manila Film Festival.

Ilan pa sa mga proyekto nito ay Boy Negro (1988), Iyo Ang Batas, Akin Ang Katarungan (1988), Tumakbo Ka Hanggang May Lupa (1990), Alyas Boy Tigas: Ang Probinsiyanong Wais (1998), Bukas, Babaha Ng Dugo (2001), at Masikip Na Ang Mundo Mo, Labrador (2001).

Si Baldo rin ang fight director ng ilang sikat na GMA-7 series gaya ng Amaya (2011), na pinagbidahan ni Marian Rivera, at ang kasalukuyang top-rating afternoon drama na Ika-6 Na Utos, na pinagbibidahan naman nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN