Kris Aquino sends good wishes to engaged couple Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan

IMAGE Instagram @krisaquino / msaiaidelasalas

Kris Aquino (left) has nothing but good words for soon-to-be-married couple Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan (right). She says, "Kapag happy ang tao, be happy for the person. Dapat ganun talaga ang buhay. Dapat happy lang."


Positibo ang mensahe ni Kris Aquino para sa nalalapit na pagpapakasal ni Ai-Ai delas Alas, 52, sa fiancé nitong si Gerald Sibayan, 23.

Hindi man personal na kilala ni Kris ang mapapangasawa ni Ai-Ai, ramdam daw niya ang “good” vibes sa pagitan ng engaged couple.

Sabi ng 46-year-old TV host at movie actress, “Makikita mo naman, e, na mabait talaga yung guy. Bongga!”

Ayon kay Kris, maliban sa kanyang nabanggit ay wala siya sa posisyon na magbigay ng opinyon tungkol sa relasyon nina Ai-Ai at Gerald.

Paliwanag niya, “Because we haven’t really seen each other in so long, and we haven’t really communicated in so long.

“So, I don’t think my opinion will be welcome.

“Our last communication was she said thank you to me because she had a fundraising for this church last year.

“And, I think, I’d like to leave it at that because it ended on a positive note.

“And since positive na, ayoko nang guluhin, di ba?”

Nakapanayam si Kris ng piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng kanyang video shoot para sa antihistamine brand na Claritin.

Ginanap ito sa bahay niya sa Quezon City, noong Biyernes ng hapon, Oktubre 20.

PAST ISSUE. Matalik na magkaibigan sina Kris at Ai-Ai noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Ngunit nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan dahil sa isang personal na isyu, kung saan sangkot si James Yap.

Bagamat nagkaayos na sila, hindi na nanumbalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan.

Noong nakaraang buwan, marami sa kanilang tagasubaybay ang gustong malaman kung imbitado si Kris sa nalalapit na pagpapakasal nina Ai-Ai at Gerald.

Kasabay nito, nakiusap si Ai Ai na huwag nang haluan ng intriga ang nalalapit na espesyal na okasyon sa kanyang buhay.

Sabi ni Ai-Ai sa hiwalay na panayam ng PEP.ph, “Importante sa akin ang araw na yun, kaya sana huwag nang intrigahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana isaalang-alang at igalang nila ang feelings ko.

“Mas pipiliin ko na huwag sagutin ang mga intriguing question dahil kahit ano pa ang isagot ko, siguradong may sasabihin ang haters at bashers."


Stories We Are Tracking

Kris Aquino not invited to Ai-Ai delas Alas's wedding?
Kris Aquino not invited to Ai-Ai delas Alas's wedding?
Ai-Ai names Vilma, Sharon, Piolo, Alden as part of entourage
Ai-Ai names Vilma, Sharon, Piolo, Alden as part of entourage
Ai-Ai delas Alas reveals prenup agreement with Gerald
Ai-Ai delas Alas reveals prenup agreement with Gerald

HAPPY FOR AI-AI. Sa huling bahagi ng panayam kay Kris, hindi na ito natanong kung imbitado ba siya sa church wedding nina Ai-Ai at Gerald sa December 12, 2017.

Ang tanging sinabi lang niya ay masaya siya para sa dalawa.

Ani Kris, “I have this belief talaga na, one, huwag kang magbigay ng unsolicited opinion.

“Second, kapag happy ang tao, be happy for the person.

“Dapat ganun talaga ang buhay. Dapat happy lang.

“Kasi, di ba, send out good para you’ll receive good? Ganun kasimple.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN