Winwyn Marquez impresses with her dancing skills on Bolivian TV show

IMAGE Winwyn Marquez Instagram

Pinabilib ni Winwyn Marquez ang mga host ng El Mañanero, isang morning show sa Bolivia, at ang mga kapwa-kandidata sa 2017 Reina Hispanicoamericana dahil sa talent na ipinamalas niya.


Isang Filipino Muslim dance na may twist ang talent na ipinakita ni Winwyn Marquez sa guest appearance ng ilang official candidates ng 2017 Reina Hispanicoamericana sa El Mañanero, isang morning television show sa Bolivia.

Si Winwyn ang official representative ng Pilipinas sa international beauty pageant at nakatakda ang coronation night nito sa November 4.

Pinahanga ni Winwyn ang mga host ng El Mañanero at ang mga kapwa-kandidata sa 2017 Reina Hispanicoamericana dahil sa talent na ipinamalas niya.

Sinimulan niya ito pamamagitan ng pagsasayaw ng Muslim dance at saka niya sinundan ng Latin dance.

Bago siya bumiyahe sa Bolivia, ikinuwento ni Winwyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dance number na inihanda para sa beauty contest na sinalihan niya.

Ayon sa 25-year-old Kapuso actress, “Wala kasing talent portion.

“Ang sabi sa amin, last year, wala. This year, they added.

“We can perform on live television na parang Sunday Pinasaya, kasi mahilig sila sa ganoon. Mahilig sila sa sayaw.

“Nagprisinta ako. Sabi ko, ‘I want to dance.’ Sinabi ko talaga. 

“Pero it’s not sure. Depende daw sa airtime na ibibigay ng television show.

"Pero nag-prepare na ako ng sayaw ko."

Pinasalamatan din ni Winwyn si Regine Tolentino dahil ito ang gumawa ng costume na ginamit niya sa kanyang performance sa El Mañanero.

Ito ang video ng guest appearance ni Winwyn at iba pang mga kandidata ng 2017 Reina Hispanoamericana sa El Mañanero. Mapapanood ang bahagi ng Winwyn sa 5:10 ng video:

MARK HERRAS. Samantala, kahit naiwan dito sa Pilipinas ang boyfriend ni Winwyn na si Mark Herras, todo-suporta pa rin ang Kapuso actor sa pakikipaglaban ng aktres para masungkit ang korona ng 2017 Reina Hispanoamericana.

Kahapon, October 24, ay nag-post si Mark ng kuha ng isang local newpaper sa Bolivia kung saan nasa cover si Winwyn, kasama ang mga kandidata mula sa Nicaragua at Paraguay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Caption niya rito: "Wow my panggggaaa!! So proud of you! Kayang kaya mo yan.. laban lang panggaa pakita mo sa kanila kung bakit ikaw ang #reinahispanoamericana ng pinas!! I love you ga!! Miss na miss na kita :( love you!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN