Robin Padilla closes doors on politics: "Kawawa naman yung mga senador doon, baka mabugbog ko lang."

IMAGE Noel Orsal

Tuluyan nang isinasara ni Robin Padilla ang posibilidad na tumakbo siya bilang senador sa susunod na eleksyon. Ang nais lang daw niya ay tumulong sa mga taga-Marawi City ngayong tapos na ang digmaan doon. 


Wala raw plano ang aktor na si Robin Padilla na pasukin ang mundo ng pulitika.

Ito ay sa kabila ng masigasig niyang pagtulong sa mga residente at sa pagsasaayos muli ng Marawi City, na naapektuhan sa kaguluhan doon dahil sa pag-atake ng rebeldeng grupong Maute.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong Huwebes, October 26, sinabi ni Robin na kuntento na siya sa kanyang buhay sa showbiz.

Inaasam din daw niyang maging lalaking bersiyon ni Rosa Rosal.

Si Rosa Rosal ang veteran actress na iginugol ang buhay sa charity bilang volunteer ng Philippine National Red Cross (PNRC).

Pahayag ni Robin sa presscon ng launching ng Tindig Marawi, “Mahirap po kasi sa pulitika, e.

"Una ho, ipinapangako ko ho sa lahat ng mga nandidito, hindi po ako papasok sa pulitika.

"Maayos na maayos na ho ang buhay ko sa show business."

Dagdag pa ng 47-year-old actor, “Wala naman ho akong atraso sa mga taga-pelikula, kumikita naman ako nang maayos sa pelikula.

"At yung aking direksiyon ng buhay ngayon, e, gusto ko ho maging male Rosa Rosal, e."

Gusto raw ni Robin na maging tulay ng mga taga-Marawi para sa mga gustong tumulong sa kanilang pagbangon mula sa giyera.

Saad niya, “Ako yung bagong Rosa Rosal, gusto ko lang talaga magkaroon ng linya yung mga maliliit na tao papunta doon sa mga gustong tumulong.

“Pero yun po talaga ang problema, yung linya, hindi po alam ng mga taong gustong tumulong kung saan sila dadaan.

"Yung pangarap ko na yun, na ako ang maging bridge, hindi po ako talaga ano sa pulitika."

Biro pa ni Robin, "Kasi kawawa naman yung mga senador doon, baka mabugbog ko lang, okay na po ako."

Sa ngayon, nakapag-donate na si Robin ng limang milyong piso para sa psycho-social intervention ng mga batang taga-Marawi, at limang milyon ding halaga ng relief goods para naman sa mga pamilyang apektado ng digmaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN