Former TV5 star Sophie Albert on transferring to GMA-7: "Why not?"

IMAGE Rommel Gonzales

Former TV5 star Sophie Albert is now a Kapuso. She also revealed that she and ex-boyfriend Vin Abrenica have remained good friends. "Kaya lang, iyon, parang mas focused muna sa work. Kasi magkaiba kami ng stations and mas kailangan namin munang kumayod," she said.


Kapuso na ngayon ang dating Kapatid star na si Sophie Albert.

Ayon sa Artista Academy winner, hindi niya tinapos ang kanyang kontrata sa TV5.

“Nagpa-release ako on my fourth year,” banggit ng 27-year-old actress.

Bakit sa GMA Network niya napiling lumipat?

Tugon ni Sophie, “Why not?

"I guess, fate just brought me here, and I think it’s one of the best decisions I made.

"And, iyon, so far, I’m very happy here."

Naging masaya rin naman daw si Sophie sa naging takbo ng career niya sa Kapatid network sa loob ng apat na taon.

“Okay naman, okay naman. Siyempre, may ups and downs.

"But now, I’m here and mas ready na ako makapag-explore, and I think mas maraming opportunities dito."

Limang taon ang kontrata ni Sophie sa GMA-7. Siya ay co-managed ng GMA Artist Center at ng batikang talent manager na si Manny Valera.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sophie sa taping ng Halloween episode ng drama anthology na Magpakailanman, na pinamagatang "Nika Manika: The Possessed Doll." 

Ginanap ang taping sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila, nitong Huwebes, October 26. 

Ito ang pangalawang project niya bilang Kapuso.

“Nag-guesting ako last week for Daig Kayo Ng Lola Ko and this one, Magpakailanman, is my second sa GMA,” sabi ni Sophie.

NO TO LOVE LIFE. Wala raw love life ngayon si Sophie.

Hiwalay na sila ng kapwa niya former TV5 artist at Artista Academy winner na si Vin Abrenica.

Si Vin ay talent na ngayon ng ABS-CBN.

Kailan natapos ang relasyon nila?

“Matagal na, last year yata,” sagot ni Sophie.

Maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.

“Friends kami. Nag-uusap pa rin kami hanggang ngayon.

"Kaya lang, iyon, parang mas focused muna sa work.

"Kasi magkaiba kami ng stations and mas kailangan namin munang kumayod!" natatawang sabi ni Sophie.

Hindi naman daw siya kinumbinsi ni Vin na sa ABS-CBN lumipat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, hindi. Siya na lang ang nandun, okay na ako dito [sa GMA]!” muling tawa si Sophie.

Kasama ni Sophie sa Magpakailanman episode si Kiko Estrada.

Habang kausap ng PEP.ph si Sophie ay kaharap namin si Kiko, at nang banggitin namin na walang girlfriend ngayon ang binata ay tumawa ang dalaga.

“A, talaga? Nice,” nagbibirong sabi ni Sophie.

Paano kung isang tulad ni Kiko ang manligaw sa kanya?

Sabi niya, “Right now, wala. Hindi, parang hindi pa ako ano... parang huwag muna siguro.”

Unang beses ni Sophie na lalabas sa Magpakailanman.

“Ang saya ko nga, kasi hindi ko ini-expect na I’ll be starting to work this soon.

"Kasi kaka-sign ko lang [sa GMA] two weeks ago.

"So, medyo nao-overwhelm pa ako, kasi medyo matagal na since gumawa ako ng any project sa TV. So, medyo overwhelming.

"But, at the same time, ang saya ko, kasi ang Magpakailanman is one of the oldest and best shows of GMA, so I’m happy to be here today.”

Ang episode nila ay ipalalabas bukas, October 28.

TITA KRIS. Si Sophie ay mula sa prominenteng pamilya ng mga Cojuangco.

Ang paternal grandmother niya ay kapatid ni yumaong President Corazon Cojuangco Aquino.

Kaya pamangkin siya nina former President Noynoy Aquino, Kris Aquino, at Mikee Cojuangco-Jaworski.

Kaugnay nito, tinanong ng PEP.ph si Sophie kung ano ang nararamdaman niyang hindi pa rin nakakabalik sa telebisyon si Kris.

Ayon sa bagong Kapuso talent, "Siguro, in time naman din, siguro in time magkakaroon din siya, and she’s very good at what she does.

"I think, to be fair, she’s very good at what she does, and she’s the only one who’s like that in the Philippines."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN