Angel Locsin on rumored boyfriend Neil Arce: "Siya ang isa sa mga source of happiness ko ngayon."

IMAGE Screengrab from Tonight With Boy Abunda / Instagram account of Angel Locsin

Angel Locsin and Neil Arce both know that getting into a relationship with a close friend is hard, that's why they made one promise to each other. Angel revealed, "Kung ano man yung mangyari sa napaka-exciting na journey natin, basta hindi tayo puwedeng mag-away."


Aminado si Angel Locsin na isa sa mga nakapagpapasaya sa kanya ngayon ay ang film producer na si Neil Arce.

Sinabi niya ito sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda noong Biyernes, October 27.

Saad ng Kapamilya actress, "Siya ang aking... isa sa mga source of happiness ko ngayon.

"Matagal na kaming magkaibigan, siguro mga walang taon na rin po.

"Hindi rin po namin alam kung paano nagsimula ang lahat, pero we're happy.

"Nangyari na lang siya. Nagpapasalamat naman ako na naging ganito yung relationship namin."

Inamin din ng La Luna Sangre actress na bago pa sila maging exclusively dating ay naramdaman na niyang may pagtingin sa kanya ang matalik na kaibigan.

Sabi ni Angel, "Alam mo, yung parang nararamdaman mo, pero ayaw mo mag-assume, kasi you're friends, parang ganun. Super close friends, confidante, ganyan.

"So, noong sinabi niya yun, alam mo yung pakiramdam na ini-expect mo pero ito na 'to! Ito na 'to, e!"

Alam naman din daw ng 32-year-old TV personality na mahirap pasukin ang pakikipagrelasyon sa isang kaibigan, kaya nagkaroon sila ng pangako sa isa't isa.

Pagpapatuloy ni Angel, "Parang ganun yung pakiramdam, and alam kasi naman na dapat hindi namin… hindi siya basta basta pinapasok kasi ayaw namin masira yung friendship, e.

"So, yun yung naging usapan namin na kung ano man yung mangyari sa napaka-exciting na journey natin, basta hindi tayo puwedeng mag-away."

DADDY APPROVES. Masaya namang ibinahagi ni Angel na aprubado ng kanyang amang si Angelo Colmenares ang pakikipagrelasyon ng aktres sa film producer.

Sabi niya, "Okay naman si Daddy. And si Neil, marespetong tao naman.

"Ako kasi, pag hindi ka gusto ng pamilya ko, sorry talaga, kahit mahal na mahal kita, kahit gustung-gusto kita, kapag ang pamilya ko nagsalita against you, dun ako sa pamilya ko talaga."

Pagkatapos nito ay pinaharap ni Boy Abunda si Angel sa kanyang golden mirror.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong siya ng TV host: "What is the name of the man written in your heart?"

Natatawang sagot ni Angel, "Well si Neil, napag-usapan naman natin kanina, si Neil po!"

April 2017 nang unang magkaroon ng espekulasyong nagde-date sina Angel at Neil.

Noong September 2017, sa press conference ni Angel para sa pagpasok niya sa La Luna Sangre, ay inamin ni Angel na exclusively dating na sila ni Neil.

Subalit nilinaw niyang wala pa raw label ang relasyon nilang dalawa.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin admits to being in love with Neil Arce
Angel Locsin admits to being in love with Neil Arce
Angel Locsin defends rumored boyfriend Neil Arce from basher
Angel Locsin defends rumored boyfriend Neil Arce from basher
Angel Locsin spotted with Neil Arce at FlipTop event
Angel Locsin spotted with Neil Arce at FlipTop event
Angel to Neil:
Angel to Neil: "You made my day extra special."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN