Oscar winner Kevin Spacey comes out: "I choose now to live as a gay man."

IMAGE indiewire.com

Kevin Spacey on coming out as a gay man: "I have loved and had romantic encounters with men throughout my life, and I choose now to live as a gay man."


Kinumpirma ng American actor at film director na si Kevin Spacey ang matagal nang haka-haka na siya ay gay.

Sa report ng New York Daily News, inamin ng two-time Oscar winner ang kanyang tunay na pagkatao.

Ang pag-amin ni Spacey ay bunsod ng paglabas ng mga paratang na pandadakma niya noon sa young male models and actors.

Pahayag ng 58-year-old actor, “This story has encouraged me to address other things about my life.

"I know that there are stories out there about me and that some have been fueled by the fact that I have been so protective of my privacy.

"As those closest to me know, in my life I have had relationships with both men and women.

“I have loved and had romantic encounters with men throughout my life, and I choose now to live as a gay man.

"I want to deal with this honestly and openly and that starts with examining my own behavior."

Ilang oras bago maglabas ng kanyang statement si Spacey, lumabas sa BuzzFeed News ang interview ng kapwa nito American actor na si Anthony Rapp, 46, kung saan inilahad niya ang sexual advances na ginawa sa kanya ni Spacey noong 1986.

Ibinulgar ni Rapp na 14 years old siya noon nang makaranas siya ng sexual advances mula kay Spacey, na noon ay 26 years old.

Sa kabilang banda, hindi raw matandaan ni Spacey ang insidente, pero naglabas siya ng public apology dahil sa kanyang “deeply inappropriate drunken behavior.” 

Si Spacey ay nanalo ng dalawang beses sa Academy Awards: una, noong 1996 bilang Best Supporting Actor para sa The Usual Suspects; at pangalawa, noong 2000 bilang Best Actor para sa American Beauty.
Siya ay kasalukuyang napapanood sa Netflix series na House of Cards, kung saan limang beses na siyang nanu-nominate bilang Outstanding Lead Actor in a Drama Series sa Emmy Awards.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN