Kakai Bautista admits falling for Ahron Villena: "Oo naman, minahal ko."

IMAGE Instagram: @ilovekaye / @ahronvillena

Umasa raw noon si Kakai Bautista na maging sila ni Ahron Villena. Ngunit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa, kaya nauwi rin sa wala ang gumaganda na sana nilang relasyon bilang magkaibigan.


Idinaan na lamang ni Kakai Bautista sa biro ang “past” nila ni Ahron Villena.

Sa guest appearance ng komedyana sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, October 29, napaamin ni Vice Ganda si Kakai na minsan isang panahon ay umasa siyang maging sila ni Ahron.

Kasama ni Kakai na nag-guest sa late-night Sunday program ni Vice sa ABS-CBN ang kaibigan niyang si Kim Chiu.

Tinanong ni Vice si Kakai kung naging sila ba talaga ni Ahron.

Sagot ng 39-year-old actress-singer, “Hindi naman, ang sabi ko, hindi, di ba?”

Ayon naman kay Kim, kahit hindi naging mag-on sina Kakai at Ahron, panay ang biyahe nila sa ibang bansa, katulad  sa Hong Kong at Singapore. Mahilig din daw ang dalawa sa road trip.

Pero ayon sa singer-comedienne, hati sila ni Ahron sa gastos.

Sabi ni Kakai, “Mga lakad namin, sa totoo lang, hati yun, kahit tanungin niyo pa. Hati yun. 

“Pati pag lalabas kami, ‘O, ikaw sa sine, ako sa pagkain, ikaw sa ganito.’

“Oo, babae ako dun, ‘no?”

Tanong ulit ni Vice: “So, mag-ano nga kayo nun?”

Diretsong sagot ni Kakai, “Magkaibigan.

"Baka mamaya sabihin na naman niyan, ‘There was never an us,' charet!

“Baka ako na naman masabihang, ‘There was never an us,’ ganun. E, di wala.”

Natatawa pa niyang dagdag, “Wala namang problema sa akin. Wala, wala!

“Kung masaya ka na, e, di wala!”

IN LOVE WITH AHRON? Sa mga kasunod pang taong ni Vice, at maging ni Kim, umamin si Kakai na nakahalikan na niya si Ahron.

Yun nga lang, ang pinakaasam-asam niyang maging sila ay hindi nangyari.

Vice: “Pero na-in love ka kay Ahron?

Kakai  "Oo naman."

Kim: “Galit ka, galit ka?”

Kakai  “Oo naman.”

Kim: “Mahal mo, mahal mo?”

Kakai  “Oo naman, minahal ko.”

Nasaktan ba siya na nauwi sa tampuhan ang kanilang gumaganda na sanang pagkakaibigan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakai: “Oo naman.”

Vice: “Umasa ka?”

Kakai: “Oo naman.”

May intimate nga bang nangyari sa kanila?

Medyo may galit na nakatawang sagot ni Kakai, “Wala nga, e. Yun nga yung pinaka nakakainis, walang nangyari!”

Pero nahalikan naman daw niya si Ahron nang matagal.

Nasarapan ba siya sa kanilang halikan?

“Masarap,” walang pag-aalinlangan niyang sagot.

Matagal ba yung nangyaring halikan nila?

Sagot ni Kakai, “Mahaba... lagot na naman ako nito, bes!”

Sabat ni Kim, “Pero hindi sila niyan, ha.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN