Kaye Abad recalls pre-couple days with Paul Jake Castillo: "I can't imagine kissing my friend."

IMAGE Rachelle Siazon

Kaye Abad on husband Paul Jake Castillo: "Walang nangyaring best foot forward kasi we started out as friends talaga—barkada. May girlfriend siya, may boyfriend ako at that time. We would hang out pag may kailangan ako. Pag gutom ako, tatawagan ko siya, 'Tara, kain tayo.' So, nakilala ko yung ugali niya. So, when we got together, alam ko na."


Sampung buwan pagkatapos nilang ikinasal, ibinahagi ni Kaye Abad na hindi na sila nagkagulatan ng mister niyang si Paul Jake Castillo sa pag-uugali ng isa’t isa.

Lalo pa’t kahit noong magkasintahan pa lang sila ay hindi nila kinailangang magpa-impress para lang magkagustuhan sila.  

Kuwento ni Kaye, “Walang nangyaring best foot forward kasi we started out as friends talaga—barkada.

“May girlfriend siya, may boyfriend ako at that time.

“We would hang out pag may kailangan ako. Pag gutom ako, tatawagan ko siya, ‘Tara, kain tayo.’

“So, nakilala ko yung ugali niya.

"So, when we got together, alam ko na."

Dagdag ni Paul Jake, “There was nothing na itinatago. There was nothing na hindi sinasabi.”

Noon pa man ay alam na raw ni Paul Jake, 32, na “kuripot” si Kaye, 35, dahil ang una ang madalas nagbabayad kahit na ang aktres ang nag-ayang mag-merienda.

Pero hindi naman daw sa mamahaling restaurant nagpapalibre si Kaye.

“Hindi naman ako ganun kakapal ang mukha!” natatawang saad ng aktres.

“So, ganun lang. Alam niya na kuripot ako.”

Kung kuripot si Kaye, si Paul Jake naman daw ay “impatient.”

Dagdag ni Kaye, “Very transparent ‘yan. Makikita mo talaga pag bad trip ‘yan.

“Very impatient ‘yan, kahit sa traffic. Super.”  

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters sina Kaye at Paul Jake sa baby shower na inorganisa ng Aprica para sa Kapamilya actress.

Ginanap ito noong Linggo, Oktubre 29, sa Marco Polo Plaza sa Cebu City, na siyang hometown ni Paul Jake at kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-asawa.

FRIENDS FOR FOUR YEARS. Dito ay masayang binalikan ni Kaye kung paano nagsimula ang love story nila ni Paul Jake.

Una raw silang nagkakilala sa defunct ABS-CBN afternoon series na Precious Hearts Romances Presents Alyna noong 2010.

“Hanggang sa after matapos ng show, close pa rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang sa nawalan siya ng girlfriend, nawalan ako ng boyfriend.

“Tutuksuhin kami ng friends, ‘Alam mo, parang bakit di na lang kayo?’

“Napa-date ko pa siya sa iba. Kasi yung buhay niya, routine—triathlon.

“Gigising siya, magti-training siya, mag-bike, mag-swim, mag-run.

"Tapos uwi na siya ng bahay, matutulog na siya."

Patuloy ni Kaye, “Sabi ko, ‘You need a life. Kailangan mo ng inspirasyon.’

"Sabi niya, ‘No, I don’t think so, Abad. If I wanted to date, magdi-date naman ako.’

“Sabi ko, ‘Pakilala na lang kita sa friends ko.’

“Ending, yung mga ipinakilala ko sa kanya, sasabihin sa akin, ‘Alam mo, bagay kayong dalawa. Parang mas magkasundo kayo.’

“So, never talaga pumasok sa isip namin na magiging kami.”

NO SEXUAL ATTRACTION? Dumating daw sa puntong lumalabas na sila, pero in denial pa rin si Kaye na nagkakagustuhan na sila ni Paul Jake.

Balik-tanaw pa ng Kapamilya actress, “Sabi pa ng sister ko, ‘Ano, magiging kayo?’

"Sabi ko, ‘Hindi talaga. Swear.’

“Kasi magkasundo kami, but I can’t imagine kissing my friend.”

Walang sexual attraction?

Natatawang sagot ni Kaye, “Wala! Kahit dati, wala, wala talaga.

“Tapos, hanggang sa lumalabas na kami. Wala lang, walang malisya.

“Kasama siya pag dinner with my family, manood kami ng sine.”

Pero tulad ng kasabihang "absence makes the heart grow fonder," naramdaman daw ni Kaye na nahuhulog ang loob niya kay Paul Jake nang magtungo noon ang binata sa Europe para sa isang perfume seminar.

Kinain daw ni Kaye ang sinabi niyang hanggang magkaibigan lang sila ng Pinoy Big Brother: Double Up Second Big Winner.

“Mag-Facetime kami every day. Tapos, sabi ko, ‘Bakit parang nami-miss ko siya? Hindi naman ganito. Baka nasanay lang ako na lagi kaming magkausap.’

“Pagbalik ng Europe, yun na. Ewan ko, iba na.”

Sino ang nag-first move?

Singit ni Paul Jake, “Siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Kaye, “Ako? Hindi, a! First move? Parang wala, parang gradual.

“Parang nagkaintindihan na lang.

"Sa Facetime, maggu-good night siya, ‘Good night, Abad.’ ‘Good night, Sir.’

"Tapos matatawa na lang kami. Siguro yun na.”

Opisyal na naging magkasintahan sina Kaye at Paul Jake noong April 14, 2014—halos apat na taon mula noong una silang nagkakilala.

Nag-propose ng kasal si Paul Jake kay Kaye noong May 17, 2016.

Pagkalipas ng pitong buwan ay ikinasal sila sa San Pedro Calungsod Chapel sa Cebu City.

Sa ngayon, pitong buwan nang buntis ni Kaye sa unang anak nila ni Paul Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN