Xander Ford doesn't believe Kris Aquino doesn't know him

IMAGE Noel Orsal / Nerisa Almo

Xander Ford (right) thinks that it's not true that Kris Aquino (left) doesn't know him. He said, "Baka po ano lang, gumawa lang siya ng content na para kunyari, hindi niya ako kilala."


Hindi naniniwala si Xander Ford na hindi siya kilala ni Kris Aquino.

Ito ang sinabi niya sa isang video interview na in-upload ng Twitter account na may handle na @Senyora.

Sa nasabing video, ni-repost ni Senyora ang video na galing sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kunsaan hiningan ng komento ng ilang reporters si Kris tungkol kay Xander Ford at sa kanyang pagpaparetoke.

Bungad ni Kris sa interview, "Sino yun?"

Kasunod ng PEP interview ay isang maikling interview ni Xander kunsaan hiningi ang kanyang reaksyon sa hindi pagkakakilala sa kanya ni Kris.

Tahasang sinabi ni Xander, "Di ko po alam, e.

"Pero feeling ko po, napapanuod naman po ako ni Tita Kris.

"Kasi siyempre, may mga anak din siya or friend, family, ganun na nagso-social media.

"Siya din po may social media siya."

Sa tingin daw ni Xander, na dating kilala bilang Marlou Arizala, maaaring gumawa lang daw ng content si Kris at sinabing hindi niya ito kilala.

Pagpapatuloy niya, "Baka po ano lang, gumawa lang siya ng content na para kunyari, hindi niya ako kilala."

Tanong naman ng reporter sa kanya, "Hindi ka naniwala na hindi ka niya kilala?"

Nakangiting sagot ni Xander, "Opo."

Narito ang video interview ni Xander:

Samantala, ito naman ang video ng interview ni Kris:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN