Bela Padilla on Zanjoe Marudo's topless photo: "Last hubad photo mo na 'yan."

IMAGE Instagram @onlyzanjoemarudo

Zanjoe Marudo to Bela Padilla: "Kelangan ko pa maghubad para mag-comment ka." 


Tampulan pa rin ng espekulasyon kung ano ang estado ng relasyon sa pagitan nina Bela Padilla, 26, at Zanjoe Marudo, 35.

Kinakiligan nga nang husto ang palitan ng comments ng dalawa sa Instagram noong Biyernes, November 3.

Kaugnay ito ng ibinahaging larawan ni Zanjoe kung saan makikitang naka-topless ang aktor.

Ang caption ni Zanjoe: "Katawang 80's"

katawang 80’s ????????

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

Komento ni Bela, “Baka kabagin ka!”


Sagot ni Zanjoe, “@belapadilla kelangan ko pa maghubad para mag comment ka.”


Muling nag-comment si Bela ng angry emoji sa ginawang pagpapakita ng katawan ni Zanjoe.

Aniya, “Last hubad photo mo na yan.”


KILIG REACTIONS. Kinikilig na reaksiyon naman ng followers nina Zanjoe at Bela:


Sa Gandang Gabi Vice noong July 30, ibinuking ni Vice Ganda si Bela na may unawaan diumano sa pagitan ng dalaga at ni Zanjoe. 

Ayon kay Vice, masama raw ang loob niya dahil ang kanyang "great love" na si Zanjoe ay karelasyon na si Bela. 

Ngunit mariing tutol ni Bela, “Hindi pa kami!”

Ulit ni Vice, “Sila na daw.”

Balik-tanong ni Bela, “Sino nagsabi?”

Sagot ni Vice, “Basta, alam ko. Feeling ko talaga.”

Hirit na lang ni Bela, “Sana nga din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN