Piolo Pascual wants to use popularity for good cause; donates P1M to Marawi

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual on Marawi City residents who were displaced because of the terror attack: "What we can do is give them entertainment, because that's where we are good, yun ang trabaho natin. Pasayahin natin sila through our singing, through ASAP for that matter, and encourage them na tuloy pa rin ang buhay."


Marami ang natuwa sa Instagram post ni Robin Padilla kamakailan kung saan nagpasalamat siya kina Piolo Pascual at Joyce Bernal.

Ito ay dahil nagbigay ng tulong-pinansiyal ang aktor at ang direktor para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.

Nagbigay ng isang milyong piso si Piolo, samantalang P500,000 naman ang iniabot ni Direk Joyce para sa rehabilitasyon ng lugar at pagpapatayo ng mga bagong bahay sa mga nawalan ng tirahan.


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual, Joyce Bernal donate P1.5M to help rebuild Marawi
Piolo Pascual, Joyce Bernal donate P1.5M to help rebuild Marawi

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Piolo sa studio ng ASAP noong Linggo, November 5, ibinahagi ng aktor kung paano nila napagdesisyunan ng kaibigang direktor na magbigay ng tulong sa mga kababayan natin sa Marawi City.

“Nagsimula kasi ‘yan kay Joyce, sinabi niya na sinabi nga ni Kuya Binoe na, yun nga, ito ang nangyari sa Marawi.

"Sabi niya, 'Pagkakuha ko ng tseke ko sa Kita Kita, our pay, ibigay ko na.'

"Sabi ko, 'Sige, ako na rin.'

"Kasi siyempre, gusto nating makatulong.

"So, from there, he shared with us the present plight of Marawi people, the bakwits, the evacuees, everyone was displaced, and it really broke my heart."

Sina Piolo at Direk Joyce ang co-producers ng blockbuster film na Kita Kita, na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

FOR A GOOD CAUSE. Ibinalita rin ni Piolo na alay para sa Marawi victims ang episode ng ASAP sa susunod na Linggo, November 12.

Lahad niya, “Heto nga, kagagaling ko lang sa ASAP meeting for next week's episode.

"You know, at the end of the day, we have to use our celebrities for a good cause.

"It’s not all the time that it's about us... you can probably use your influence to also encourage other people to help.

"Like, ako, growing up, gusto kong tumulong. I just didn’t know where, how to help.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang, if you put it out there, encourage people to help and you give them platforms where to help."

Patuloy ng 40-year-old actor-producer, “What we can do is give them entertainment, because that’s where we are good, yun ang trabaho natin.

"Pasayahin natin sila through our singing, through ASAP for that matter, and encourage them na tuloy pa rin ang buhay.

"Yun naman ang trabaho natin, para mapasaya sila ulit at bigyan sila ng inspirasyon and encouragement.”

Ayon sa isa pang post ni Robin Padilla sa Instagram, magkakaroon din ng telethon kasabay ng tribute episode ng ASAP, kung saan maaaring tumawag ang donor-viewers sa hotlines upang mag-pledge ng kanilang donation. 

Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha.. Ika 25 ng Oktubre 2017 dalawang araw pagkatapos magbigay ng kanilang donasyon. Ako ay nakatanggap ng tawag mula kay binibining Joyce Bernal 10:00 ng umaga at Ginoong piolo pascual 10:30 ng gabi.....ika 26 ng Oktubre 2017 6:30 ng gabi sa ABSCBN Naganap ang makasaysayang pagpupulong kasama kaming tatlo at ang mga namumuno sa ibat ibang departamento ng television network. Napagkasunduan ng mga boss sa pamumuno ni ginoong piolo pascual na magsagawa ng isang malawalakang telethon para sa mga evacuues ng marawi.Gagawin daw ito sa programa ng ASAP at isasabay dito ang pagbibigay nila ng tribute sa Mga marawi evacuees. Isa itong pagpapalakas ng ispiritu ng mga bakwit.Napakahalaga na maramdaman nila ang init ng ating pakikiisa kahit na parang malayo sila sa atin.Tanggapin niyo muli kapanalig na truthful Joyce bernal at kapanalig na action man piolo pascual, ang amimg napakalalim na pasasalamat at pagpupugay. Napakabilis ng inyong aksyon na may kwenta hindi puro kwento. Tunay kayong mga Tagalog ????????????????????????@marieltpadilla time @betchayvidanes budget @amormaclang tindigmarawi @nahdare ground @arabelleng information @sittidjalia network @elgab18 sponsor @officialnadiam happiness

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN