Maine Mendoza speaks her mind on depression and love

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza has an advice to people who are experiencing depression: "One of the simplest things you could do is to have someone to talk to. Kasi nakakagaan din ng pakiramdam yung nailalabas mo yung saloobin mo."


Nakipag-interact si Maine Mendoza sa kanyang followers sa pamamagitan ng social networking site na ASKfm.

Sinagot ng Eat Bulaga! host ang iba't ibang katanungan mula sa kanyang fans—personal man o may kinalaman sa trabaho—ngayong Martes, November 7.

ADVICE FOR THE DEPRESSED. May dalawang tanong ang sinagot ng 22-anyos na Kapuso star na nakakuha ng maraming likes.

Una, kung ano ang advice niya sa mga taong nakararanas ng depression.

Sagot ng Dubsmash Queen, “One of the simplest things you could do is to have someone to talk to.

"Kasi nakakagaan din ng pakiramdam yung nailalabas mo yung saloobin mo.

“Lalo na kapag ramdam mong walang panghuhusga sa 'yo yung taong kausap mo. (Kahit na alam kong sanay kang kinikimkim ang lahat sa sarili, subukan mo lang.)"

Wala rin daw dapat ikahiya sa paghingi ng tulong. 

“And don’t be afraid to seek professional help. Walang mali doon at walang kahiya-hiya doon.”

Naging mainit ang usapin tungkol sa depression nang kontrahin ni Maine ang pahayag ng co-host niyang si Joey de Leon sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga! noong  October 5.

Sabi ng veteran host, gawa-gawa lamang ng tao ang depression. 

Kinontra ito ni Maine at sinabing hindi biro ang depression.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Fellow celebs react to Joey de Leon's comment on depression
Fellow celebs react to Joey de Leon's comment on depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression
Joey de Leon's kids react to depression controversy
Joey de Leon's kids react to depression controversy

NEVER BEG FOR LOVE. May nagtanong din kay Maine kung naranasan na ba niyang manlimos ng pagmamahal.

Tahasang sagot ni Maine, “Hindi! At hindi ko kailanman gagawin yun.

“Ang pagmamahal hindi hinihingi at lalong hindi nililimos. Ibinibigay yun nang kusa, nang walang kapalit."

Payo pa niya, “Wag kang umabot sa ganun owkeiiiii.” 

Nagbalik sa Twitter si Maine noong October 22, matapos ang halos apat na buwan mula nang i-deactivate niya ang kanyang old Twitter account.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza is back on Twitter!
Maine Mendoza is back on Twitter!
Why did Maine Mendoza deactivate her Twitter account?
Why did Maine Mendoza deactivate her Twitter account?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN