Matteo Guidicelli supports Sarah Geronimo's silence over persistent rumors

Matteo Guidicelli on how girlfriend Sarah Geronimo handles negative issues: "I think she's a strong person. Why would she be affected?"


Sigurado si Matteo Guidicelli na matatag ang loob ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo pagdating sa pagtanggap ng anumang negatibong komento.

Isa na rito ang hindi matapus-tapos na isyu tungkol sa diumano'y paglalayas ng Pop Superstar sa bahay nila.


Stories We Are Tracking

Matteo Guidicelli denies rumor about Sarah Geronimo leaving home
Matteo Guidicelli denies rumor about Sarah Geronimo leaving home
Matteo Guidicelli affirms love for Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli affirms love for Sarah Geronimo

Ang bagong usap-usapan ay nakabukod at nakatira na raw sa isang condo ang 29-year-old singer-actress.

“I think she's a strong person. Why would she be affected?” sabi ni Matteo nang makapanayam ng entertainment reporters matapos ang Hey Matteo concert press conference, sa B Hotel, Quezon City, kahapon, November 7.

Paglilinaw pa niya, “Hindi siya nagko-condo, nasa bahay pa rin siya.”

Sa kabila ng mga intrigang tulad nito, nananatiling tahimik si Sarah.

At tila pabor dito ang kanyang 27-year-old na boyfriend.

Sabi ni Matteo, “Bakit mo ide-defend ang hindi naman totoo?”

Pagdating sa mga intriga, lalo na kung hindi totoo, pipiliin din daw ni Matteo ang tumahimik na lang.

Aniya, “My defense is not to say anything, because alam naman natin hindi totoo yung mga bagay-bagay.

“So, the best defense is to just keep quiet and do your thing.

“Alam mo yun, gawin mo lang ang ginagawa mo, tuluy-tuloy ka lang.”

Gayunman, nilinaw ni Matteo na handa siyang ipagtanggol ang girlfriend kung kinakailangan.

“Siyempre naman. Siyempre, we're as one,” paniniguro niya.

Hanggang saan ang kayang gawin ni Matteo para ipagtanggol si Sarah?

Sagot ng actor-singer, “Hindi ko alam. Hindi ko iniisip 'yan.

“You know, let's look at the positive side of everything.

“Huwag natin i-negative. Positive lang, masaya lang tayong lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN