Thea Tolentino remains friends with ex-boyfriend Mikoy Morales

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino says she's not closing her doors on getting back together with ex-boyfriend Mikoy Morales.


Nananatiling magkaibigan ang dating magkasintahang sina Thea Tolentino, 21 at Mikoy Morales, 23.

Ito ang sinabi ni Thea nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa after-party ng This Time I'll Be Sweeter premiere night, sa Amici Restaurant, SM Megamall, noong Lunes, November 6.

"Okay naman, friends kami," sagot ng Kapuso actress.

Sa ngayon, bihira raw silang magkita ng dating nobyo.

Pero nagkakasama raw sila sa tuwing lalabas ang barkada nila, kasama ang iba pang Kapuso actors na sina Juancho Trivino at Kristoffer Martin.

Tinanong ng PEP.ph si Thea kung hindi ba sila awkward ni Mikoy sa isa't isa.

Pag-amin niya, "Meron kahit konti, pero kaya."

August 2017 nang unang napabalitang break na ang dalawa, ilang buwan matapos aminin ni Mikoy ang apat na taon nilang relasyon.

Hindi rin ito ang unang beses na nag-break sina Thea at Mikoy, na unang nagkasama sa 2012 GMA artista search na Protégé: Battle For The Big Artista Break.

Noong 2016 ay naghiwalay sila, subalit nagkabalikan din pagkatapos ng pitong buwan.

SECOND CHANCE. Bahagi si Thea ng pelikulang This Time I'll Be Sweeter, na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Ken Chan.

Umiikot ang kuwento ng pelikula tungkol sa second chances, kung saan ang karakter ni Barbie ay minsan nang niloko ni Ken, at makalipas ang ilang taon ay nagkita silang muli at susubukan kung para ba sila sa isa't isa.

Dahil dito ay natanong si Thea kung handa rin ba siyang bigyan ng second chance ang ex-boyfriend.

Sagot niya, "Depende kasi yun, e. Depende yun sa sitwasyon."

Paano kung ang sitwasyon nila ni Mikoy ang pagbabasehan?

"Ako? Kasi mas... wala kasi kaming away noong nag-break kami.

"Hindi naman ako... ewan ko, hindi naiiwan sa akin yung galit, e.

"Dala na lang din siguro na makakalimutin ako!

"Hindi ko naman isinasara yung doors ko.

"Kung mangyayari, mangyayari. Yun 'yon. Kung hindi, hindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ay tapos na rin si Thea sa healing process ng breakup.

"Okay na. Actually, yun yung... kasi positive ako.

"Yun yung advantage ko na kaya kong hindi maapektuhan.

"Maaapektuhan ako kung pipiliin ko or mararamdaman ko lang kung merong makakapagpaalala, pero wala naman na."


Stories We Are Tracking

Mikoy Morales admits 4-year relationship with Thea Tolentino
Mikoy Morales admits 4-year relationship with Thea Tolentino
Kapuso stars Mikoy Morales and Thea Tolentino break up
Kapuso stars Mikoy Morales and Thea Tolentino break up
Thea Tolentino speaks up about breakup with Mikoy Morales
Thea Tolentino speaks up about breakup with Mikoy Morales
Thea Tolentino denies rift with Mikoy Morales
Thea Tolentino denies rift with Mikoy Morales


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN