Aiko Melendez admits to dating a politician from the North: "Pero hindi ko pa siya boyfriend."

IMAGE Noel Orsal

Masaya ngayon ang aktres na si Aiko Melendez dahil may bago siyang manliligaw. Pulitiko raw ito mula sa norte at hindi raw mahirap pakisamahan. 


Sa guest appearance ni Aiko Melendez sa live episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Miyerkules, November 8, may binati siya sa ere na hindi niya pinangalanan.

Kinawayan lang ito ng aktres sabay nagpakawala ng napakatamis na ngiti.

Duda ng ilan, may special someone na muli si Aiko. 

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Wildflower star ang katauhan ng kanyang bagong idini-date.

Ayon kay Aiko, “Hindi siya artista, politician. Pero hindi ko pa siya boyfriend.

“Bago pa lang kami, dating and ini-enjoy muna namin ang friendship.

“My kids met him a couple of times na.

"Okay naman, pero siyempre, as day goes by, mas magiging okay pa ‘yan.

“For now, we are enjoying the company and the friendship.”

Mula raw sa North ang pulitikong idini-date niya ngayon, pero ayaw pa itong pangalanan ni Aiko.

Pahabol pa niya, “Mabait, nakakatawa, kaya hindi mahirap pakisamahan.”

Hindi ito ang unang pagkakataong naugnay sa isang pulitiko ang 41-year-old actress.

Naging boyfriend niya noon si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Attracted ba talaga siya sa mga politician?

Natatawang sagot ni Aiko, “Hindi naman, nagkataon lang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN