Zanjoe Marudo on Bela Padilla's "last hubad photo" comment: "Hirit lang yun."

IMAGE Noel Orsal

Zanjoe Marudo insists that he and Bela Padilla are just friends. He said, "Okay naman, we are good friends naman. Ang hirap minsan na kahit simple lang or normal lang naman iyong conversation, nagkakaroon ng [meaning]. Okay naman iyon para sa akin, kung natutuwa sila or kinikilig sila."


Ayon kay Zanjoe Marudo, normal na hirit lang ni Bela Padilla ang naging komento nito sa kanyang isang Instagram post.

Sabi ng 26-year-old actress sa larawan ni Zanjoe na naka-topless: "Last hubad photo mo na 'yan."

Nang hingin ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Bela, idinaan ito sa biro ng 35-year-old actor.

Natatawang sabi ni Zanjoe, "Hmmm. Akala mo lang, abangan mo!

"Meron pang mga iba, yung mga katawang pang-cuddle, ganyan!"

Subalit paglilinaw ng aktor, "Hindi, hirit lang yun.

"Ganun naman tayo, puwede naman tayo humirit ng mga ganun."

Matagal nang tampulan ng espekulasyon kung may namamagitan na kina Zanjoe at Bela, na nagkasama sa ABS-CBN primetime series na My Dear Heart noong January to June 2017.

Maaari kayang may laman ang komentong iyon ni Bela?

Sabi ni Zanjoe, "Ewan ko sa kanya! Ba't di siya tanungin niyo kung may laman yun?"

Dito ay tinanong siya ng TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido kung ano ang namamagitan sa kanila ni Bela sa ngayon.

Nakangiting sagot ng Kapamilya actor, "Ang daming beses ko na sumagot sa mga tanong na 'yan.

"Parang pangit lang pakinggan na salita ako nang salita."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV Patrol si Zanjoe sa bloggers' conference ng pelikulang Fallback, sa 9501 Restaurant ng ELJ Building, Quezon City, kahapon, November 7.

Sa grand press conference ng Fallback noong Sabado, November 5, ay nauna nang natanong si Zanjoe ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual tungkol sa kanila ni Bela.

Ayon kay Zanjoe, magkaibigan lang talaga sila ni Bela.

Sabi niya, "Okay naman, we are good friends naman.

"Ang hirap minsan na kahit simple lang or normal lang naman iyong conversation, nagkakaroon ng [meaning].

"Okay naman iyon para sa akin, kung natutuwa sila or kinikilig sila.

"Ayaw ko naman pigilan iyong sarili ko sa mga kilos or galaw ko dahil lang baka matsismis ako or baka mag-isip ng iba iyong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabuting tao siya, may pinagsamahan kami.

"Gusto ko makagalaw nang normal."

Nilinaw rin ni Zanjoe na single siya ngayon.

"Single ako ngayon, focused ako sa work.

"Hindi pa ako ready magdagdag ng mga ibang commitments sa buhay ko dahil marami pa akong iniintindi."


Stories We Are Tracking

Bela Padilla reacts to Zanjoe Marudo's topless photo
Bela Padilla reacts to Zanjoe Marudo's topless photo
Bela Padilla wants to give Zanjoe Marudo a chance
Bela Padilla wants to give Zanjoe Marudo a chance
Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status
Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status
Are Zanjoe Marudo and Bela Padilla in a relationship?
Are Zanjoe Marudo and Bela Padilla in a relationship?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN