Janella Salvador, Elmo Magalona, Sunshine Cruz, other celebs visit first night of Isabel Granada's wake

by Arniel C. Serato
Nov 10, 2017
Kabilang sa mga artistang pumunta sa unang gabi ng burol ng actress-singer na si Isabel Granada ay sina Elmo Magalona at Janella Salvador (kaliwang larawan) at Sunshine Cruz (kanang larawan).

Hindi napigilan ng malakas na ulan, dulot ng bagyong Salome, ang pagbuhos ng mga artista sa unang gabi ng lamay para sa yumaong actress-singer na si Isabel Granada.

Nakaburol ang mga labi ni Isabel, 41, sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills, Mandaluyong City.


Kahapon ng umaga, November 9, dumating sa bansa ang mga labi ni Isabel sakay ng Philippine Airlines (PAL) commercial flight mula Qatar.

Continue reading below ↓

Sa Hamad General Hospital, sa Doha, Qatar, na-confine ang singer-actress matapos nitong mag-collapse noong October 24.

Tuluyan na siyang binawian ng buhay noong gabi ng November 4.

Pagdating sa Pilipinas ng kanyang mga labi kahapon, ginawaran siya ng military honors dahil nanilbihang second class airwoman si Isabel bilang isang lisensiyadong piloto.

Bandang alas-7 ng gabi, dumating ang kanyang mga labi sa chapel ng Santuario de San Jose matapos itong inayos at binihisan sa Arlington Funeral Homes.

Hindi pinayagan ang media sa unang gabi ng lamay, ngunit napagbigyan ng pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera na makapagmasid ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa chapel.

Nakasuot ng puting gown ang namayapang actress-singer at nakahimlay sa isang glass-covered coffin.

Ayon sa mga bumisita sa burol ni Isabel, mukhang natutulog lang ang aktres.

Ilan sa mga nag-asikaso sa lamay ay ang mga matalik na kaibigan ni Isabel na sina Bianca Lapus, Nadia Montenegro, at Chuckie Dreyfus.

Continue reading below ↓


Abala naman sa pag-aasikaso ng mga bisita ang partner ng aktres na si Arnel Cowley; pati na ang ex-husband ni Isabel si Jerico Aguas at anak nilang si Hubert Aguas.


Continue reading below ↓

Ang ina naman ni Isabel na si Isabel "Mommy Guapa" Villarama ay ilang oras na namalagi sa sasakyan nito sa labas ng chapel dahil hindi raw nito kayang makita ang anak na nakahiga sa kabaong.


Ilan sa mga namataan naming artistang dumalaw, mula alas-7 hanggang alas-12 ng hatinggabi, ay ang mga kasamahan ni Isabel sa That's Entertainment na sina Manilyn Reynes, Lotlot de Leon, Sunshine Cruz, Jennifer Sevilla, Ana Roces, Patricia Javier, Shirley Fuentes, at ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


Dumating din sina Janella Salvador, Elmo Magalona, Regal Films producer Mother Lily Monteverde kasama ang talent manager na si Arnold Vegafria, Bibeth Orteza at asawa nitong si Carlitos Siguion-Reyna, Ynez Veneracion, Eric Fructuoso, at Paolo Ballesteros.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


Ngayong araw, Biyernes, November 10, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, bukas na sa publiko ang chapel para sa public viewing.


Continue reading below ↓

Inaasahan naman na ngayong gabi magbibigay-pugay kay Isabel ang mga dati niyang kasamahan sa That’s Entertainment.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga artistang pumunta sa unang gabi ng burol ng actress-singer na si Isabel Granada ay sina Elmo Magalona at Janella Salvador (kaliwang larawan) at Sunshine Cruz (kanang larawan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results