Jomari Yllana to become a dad again after 19 years

IMAGE Joy Reyes Facebook

Joy Reyes reveals to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) how her partner, actor Jomari Yllana, takes care of her now that she's pregnant with their child.


Pagkatapos ng halos 19 taon ay magiging tatay na ulit ang aktor na si Jomari Yllana.

Dalawang buwang buntis na kasi ang kanyang non-showbiz partner na si Joy Reyes.

Ang panganay ni Jomari na si Andre Yllana, anak niya sa dating asawa na si Aiko Melendez, ay 18 years old na.

Ibinalita ni Joy ang kanyang pagdadalantao sa pamamagitan ng Facebook post noong Sabado, November 4.

Isa itong video ng resulta ng ultrasound niya.

Sabi ni Joy sa caption: “It’s really a big day today.

“I’ve looked forward to this from the moment I got a positive pregnancy test. 

"But I dread every single day since. 

“So scared to see another empty gestational sac. 

“So anxious to get upset over something and watch blood flow down on me again.

“Having 2 miscarriages in less that a year, my whole being is compromised of 50% trauma and 50% paranoia.

“I entered this hospital with so many fears balancing between creating a proper mindset in case it’s another disaster and trying to stay positive.

“It’s so frustrating to tremble there alone.  But I reminded myself God is with me so I’m never alone.

“This is far worse than a rollercoaster ride anticipating a huge sudden drop… it’s more like waiting to be executed.

“Nonstop prayers were my only weapon. 

“When I saw that tiny heart beating like crazy, I just lost it..

“I love you so much, my baby!”

Sa comment section ay bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang mga kaibigan sa Facebook.

TWO MONTHS PREGGY. Upang humingi ng karagdagang impormasyon, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippne Entertainment Portal) kay Joy noong Linggo, November 5.

Tinanong namin kung ilang buwan na ang dinadala niya.

Pagkalipas ng isang oras ay sumagot si Joy.

Tugon niya, “Magtu-2 months.”

Itinuloy ng PEP.ph ang pagtatanong sa pamamagitan ng text message.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Jomari sa kanyang pagbubuntis?

“It was extremely overwhelming for Dada..." pagtukoy niya sa aktor.

“Super happy siya. Grabe yung excitement niya. 

“Maya’t maya kini-kiss niya tummy ko. Lagi niya embrace tummy ko. 

“Kinakausap na niya yung baby hehehe.

“Siyempre naman... I’m sure he waited for that.”

Ilang years na sila ni Jomari?

Ayon kay Joy, “We’ve been together for more than 2 years na.”

Nagkakilala raw sila sa isa sa mga taping ng 41-year-old actor.

Hindi naman tago ang relasyon nina Joy at Jomari sa social media. 

Makikita nga sa FB account ni Joy ang photos nila ni Jomari. 

Katunayan, ang profile pic ni Joy ay kasama ang aktor.

Ito rin ang nakalagay sa status niya: “In a domestic relationship with Jomari Yllana.”


MISCARRIAGE. Binanggit ni Joy sa PEP.ph na minsan na siyang nakunan.

Lahad niya, “October last year, we lost our first baby. He named her Angel. 

“Super devastated kami that time. 

“For several months, I’ve been so depressed. 

“Yung tipong pag lumalabas kami and we saw a baby, I would suddenly burst into tears. Ganun kalala.

"But Dada had been very supportive and caring naman kaya I was able to get through that."

Kahit daw si Andre ay nalungkot nang makunan siya.

Saad ni Joy, “Even Andre felt so bad when we lost the baby. 

“He keeps on asking me, ‘Tita, meron na ba ulit? Meron na ba ulit?’

“Kaya nga super excited kami when I got pregnant last May.  

“Andre, during the birthday party of Ryan [Yllana, Jomari’s brother], learned about the baby and he was so hyper happy. 

“But then, after being so upset about something, I bled.”

Patuloy niya, “Dada named her Sophia.

“My sadness was cut short because Dada had been very eager to ask for a professional help na on our quest to conceive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, super nabuhayan ako ng loob.

“Then, a few months ago, we decided to just let God take over. 

“Sabi namin, nakakapagod yung full effort kayo, tapos every month hoping kayo, then wala naman.  

“So, napagkasunduan namin to offer na lang to God.

“We will be ready pag binigay na sa amin... in God’s time.

“Kaya nga super ecstatic kami with this baby, kasi hindi namin siya sinadya talaga. 

"So, we believe, heaven sent."

EXTRA CAREFUL. Ibinahagi rin ni Joy kung gaano ka-hands on si Jomari sa kanyang pagdadalantao ngayon.

Lahad niya, “We have a new OB and she’s very thorough.

“As in, very strict with her instructions. Complete bed rest means you don’t even get up. 

“Grabe hirap ko and Jom din, pero with the ultrasound result last Friday, it was all worth it.

“Jom is a very hands on talaga. He takes care of me… prepares food.

“Siya titimpla ng milk ko morning and bedtime, making sure I take all meds on time. 

“Pinapaliguan niya ako kasi I can’t get exhausted.

“He is that dedicated talaga.

“When he is at work, naka-standby sa akin lahat ng tao niya, assisting me with everything I need. 

“Jom is a very loving and responsible.”

Kuwento pa ni Joy, “Bath time is really a relaxing activity for me. 

“Nakakatuwa nga when he’s giving me a bath. 

“Imagine mo, ang tangkad-tangkad na tao, super uupo pa talaga siya so he can soap me thoroughly. Pati sole ng feet.

“Grabe, enjoy ako sa pagsa-shampoo niya kasi may kasama pa hair massage... hehehehe.

“He is always saying ‘Dada knows best’ kasi ‘yan statement ng daddy ko pag pinapaliguan ako nung bata pa ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN