Rhian Ramos taking her sweet time before she gets married

IMAGE Noel Orsal

Rhian Ramos on settling down: "I just want to do things at my own time. Kasi, in my experience, kapag gumawa ako ng decisions based on others' opinions, dun ako nagkakamali."


Naiinggit man si Rhian Ramos sa mga kaibigan sa showbiz na malapit nang ikasal o mga nag-asawa na, wala pa raw sa priority niya ang sumunod sa kanilang mga naging desisyon sa buhay.

Kahit masaya at mukhang stable naman ang relasyon nila ng kanyang Filipino-Chinese businessman boyfriend na si Jason Choachuy, hindi pa raw ito ang tamang panahon na sila ay magpakasal.

Pahayag ni Rhian, “Hindi, I just don't know what to say, wala pa ako dun, e.

“I spent my childhood kasi na nagmamadaling to grow up, tapos now that I'm grown up, gusto ko lang umatras.

“So ayun, ini-enjoy ko lang talaga kung ano ang relationship namin.

“I don't see naman any problems the way it is.”

Dugtong pa ng 27-year-old actress tungkol sa usapin ng pag-aasawa, "Yun nga, lahat na yata ng friends ko ay na-engage na.

“Actually, most of them ay nakasal na. Yung isa is getting married in December.

“Hindi ko naman masasabi na hindi siya nag-cross sa mind ko.

“Kahit paano naman, kasi we attend the weddings together, naiisip ko din na, ‘What it would be like kaya pag ako din?’

“Pero hindi pa... hindi naman kasi ako nagmamadali.

“Wala pa akong feeling na I'm running out of time, so...”

Ganito rin ba ang pakiramdam ng boyfriend niya?

Tugon ni Rhian, “I don't think so, I don't think so.

“Feeling ko kasi, yung clock ng lalaki, iba sa clock ng babae.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhians sa mediacon ng pelikulang Fallback, sa ELJ Building, sa ABSCBN compound, noong November 4.

LIFETIME COMMITMENT. Hindi pa ba siya kinukulit ni Jason tungkol sa kasal?

Medyo nag-aalangang sagot ni Rhian, “A, kapag uma-attend kami [ng kasal], we make comments siguro, yung ayos...

“Pero ano, so far, yung tono ng conversations, e, parang hindi naman kaseryoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ganun-ganun lang. Wala pa namang kinukulit.”

Ano ba ang maging dahilan upang magpakasal na sila?

Halimbawa, kung mabuntis siya nang hindi sinasadya?

Giit ng Kapuso actress, “Sa tingin ko ay hindi, kasi ang family ko ay very modern na rin, pero mas malaking commitment ang anak sa partner ko... sa tingin ko, ha?

“I would think na puwede pa rin siyang maging parte ng buhay ng bata even without...

“Wala, there's so many kind of families nowadays, e.

“My plan of getting married is 35, ganun pa rin, hindi nagbabago ang number.

“This is my plan.”

Hindi ba siya natatakot na baka at risk na siya sa edad na yun para magkaanak?

Tugon ni Rhian, “Hindi naman. Kasi habang nagiging advance ang science ngayon, mas nagiging kampante ako sa mga plano ko.

“Wala, e. I guess, I don't want to run my life according sa kung ano ang konsepto ng ibang tao, kung ano ang tama at mali.

“I just want to do things at my own time.

“Kasi, in my experience, kapag gumawa ako ng decisions based on others’ opinions, dun ako nagkakamali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN