Paolo Ballesteros opens up about reported relationship with Roland Ochoa Anog

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Paolo Ballesteros, hindi pa raw talaga akma sa panahon ang naging relasyon nila ng dancer na si Roland Ochoa Anog kaya sila naghiwalay. Lagare naman ngayon si Paolo dahil may dalawa itong TV shows at tatlong pelikula.


“Secret. Mag-inuman tayo, halika ka.”

Ito ang humahalakhak na sagot ni Paolo Ballesteros nang usisain namin kung bisexual nga ba siya?

Naitanong namin sa TV host-comedian ito dahil parang hiyang na siya sa mga gay roles na ginagampanan niya sa telebisyon at sa pelikula.

Ayon sa kanya, baka masyado lang daw nagagalingan ang mga producers sa pag-portray niya ng gay role kaya kinukuha siya ng mga ito.

Kasunod naming inusisa ang umano'y naunsiyami niyang relasyon sa dancer na si Roland Ochoa Anog.

Matatandaang nitong kalagitnaan ng Mayo ay nag-post si Paolo ng larawan nila ni Roland suot ang magkaprehong singsing.

Ngunit ilang araw lamang ang lumipas, naghiwalay rin daw ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros gives hints about breakup with boyfriend
Paolo Ballesteros gives hints about breakup with boyfriend
Paolo Ballesteros's camp denies breakup with rumored BF
Paolo Ballesteros's camp denies breakup with rumored BF
Paolo Ballesteros and dancer boyfriend break up?
Paolo Ballesteros and dancer boyfriend break up?
Paolo Ballesteros shows face of rumored boyfriend on IG
Paolo Ballesteros shows face of rumored boyfriend on IG

Bakit nga ba naudlot ang diumano'y relasyon nila ni Roland?

Natatawa niyang sagot, “'Di ko alam, e. Tinatanong ko nga rin yun.”

Bakit naputol ang napabalitang ugnayan nila gayong gumaganda na raw sana ito?

Tugon niya, “Tanong ko nga rin 'yan, e. Bigyan niyo nga ako ng sagot, i-tag niyo, echos."

Saka naging mas seryoso ang sagot ni Paolo.

“Ay siguro nga dahil sabi ko, 'Baka hindi pa talaga, masyado lang siguro naunahan ng damdamin,' Yes, so, so ganun naman siguro sa buhay.

“Siyempre mahirap pero, e, ganun talaga.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa blogcon ng Barbi D Wonder Beki nitong nakaraang Huwebes, November 9.

Ang nasabing pelikula ay tumatalakay sa buhay ng isang pamilya na puro pulis ang anak, at ang karakter ni Paolo ay makikipagsabayan sa mga kapatid niyang matataas ang ranggo sa pulisya.

Ito ay ipapalabas sa mga sinehan sa darating na November 29.

Bukod kay Paolo, kasama rin sa pelikula ang tambalang BiGuel nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.


GUY OR GIRL? Dahil kampante si Paolo sa aming panayam, pabiro namin siyang tinanong kung ano ang mas feel niya: babae o lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humalakhak siya sabay sabing, “Ay, ewan ko. I-google niyo, hahaha. Teka, i-google ko.”

Dagdag pa niya, “Ano, di ko alam, e. Parang parehas lang.”

Samanatala, blessed daw talaga ngayon si Paolo dahil dalawang TV show ang kanyang nilalagare araw-araw at nakagawa pa siya ng tatlong pelikula kabilang na ang Barbi D Wonder Beki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN