Hashtags member Franco Hernandez dies in drowning incident

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2017
Pumanaw ngayong araw, November 11, ang Hashtags member na si Franco Hernandez dahil sa pagkalunod. Siya ay 26 years old.

Napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ng pamilya ng It’s Showtime dahil sa pagpanaw ng miyembro ng Hashtags na si Franco Miguel Hernandez.

Si Hashtag Franco ay 26 years old.

Ang Hashtags ay ang all-male group na regular na nagpe-perform sa noontime show ng ABS-CBN.

Kasabay ng pre-wedding event nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand, pumutok ang balitang nalunod si Hashtag Franco ngayong Sabado ng hapon, November 11.

Nangyari ang insidente sa North Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental.

Ayon kay PO2 Rolly Conad ng Malit Police, pabalik na ng San Marcelino si Franco, kasama ang kanyang girlfriend, kamiyembro niya sa Hashtags na si Tom Doromal, at dalawang iba pa nang dinaluyong ng malaking alon ang sinasakyan nilang motorized banca.

Nahulog diumano sa bangka si Franco at ang girlfriend nito.

Nailigtas sila ng operator ng bangka at crew nito, ngunit wala na raw malay ang dancer-performer.

Nadala pa sa ospital si Franco ngunit declared dead on arrival na ito.

Continue reading below ↓

Kinumpirma na rin ng kanyang management na Cornerstone ang pagpanaw ni Franco.

Nagpahayag naman ng kanilang kalungkutan ang ilang mga kasamahan ng binata sa It's Showtime.

Ayon sa tweet ni Vice Ganda, "Tragic. This is just so heartbreaking. Oh my God!"

Top trending topic ngayon sa Twitter ang pangalan ni Franco.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw ngayong araw, November 11, ang Hashtags member na si Franco Hernandez dahil sa pagkalunod. Siya ay 26 years old.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results