Vice Ganda, Kim Chiu, Matteo Guidicelli, other celebs mourn death of Hashtags member Franco Hernandez

IMAGE @praybeytbenjamin / @hashtag_franco / @gretchenho on Instagram

Vice Ganda (left) and Gretchen Ho (right) are among the celebrities who mourn the sudden passing of Hashtags member Franco Hernandez, 26 (middle). Franco passed away Saturday afternoon, November 11.


Hindi pa rin makapaniwala ang ilang local celebrities sa biglaang pagkamatay ng Hashtags member na si Franco Hernandez.

Sumakabilang-buhay ang 26-year-old It's Showtime performer nitong Sabado ng hapon, November 11, dahil sa pagkalunod.

Ito ay matapos tumaob ang bangkang sinasakyan nito kasama ang kapwa Hashtags member na si Tom Doromal, ang girlfriend nitong si Janica Nam, at dalawa pang kaibigan. 

Naganap ang insidente sa North Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental.


Stories We Are Tracking

Franco Hernandez's accidental death shocks netizens
Franco Hernandez's accidental death shocks netizens
Hashtags members mourn the passing of Franco Hernandez
Hashtags members mourn the passing of Franco Hernandez
Hashtags member Franco dies in drowning incident
Hashtags member Franco dies in drowning incident

CORNERSTONE ARTISTS. Kabilang sa naunang nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa mga naiwan ni Franco ay ang mga kasamahan nito sa Cornerstone Talent Management.

Kabilang dito ang singers na sina Iñigo Pascual, KZ Tandingan, at boyfriend nitong si TJ Monterde.

Mensahe ni Iñigo, "Franco, Rest in Paradise Brother. Di mo na ako naturuan paano mag B-boy! You're in a better place now."

Sabi naman ni KZ, "Lost a brother in the industry today."

Pakikiramay ni TJ, "Rest in eternal peace, brother @Hashtag_Franco"

Ang GMA-7 actor na si Gil Cuerva, na halos kasabayan ni Franco na pumasok sa Cornerstone, ay nagparating din ng kanyang mensahe.

Sulat nito, "Gone too soon. Rest in Peace, Franco."

Tweet naman ng Cornerstone Entertainment president Erickson Raymundo, "Goodbye Franco. We will miss you. #RIPFranco #HashtagFranco"

Ikinalungkot din ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang biglaang pagkamatay ni Franco.

Sulat nito, "I can’t and don’t want to believe the news. Franco my brother mag iinuman pa tayo kasama ng mga cornerstone brothers naten diba :( why so soon :( #RIPFranco"

Ganito rin ang pakiramdam ng dating Boyband PH finalist na si Mark Oblea.

Aniya, "Di mo talaga alam kung kelan. Di mo masabi yung buhay. Ang aga naman masyado kapatid, @Hashtag_Franco. May your soul Rest in Peace. Godbless sayo at sa pamilya mo."

Ikinagulat din ni Gretchen Ho ang balita. Tweet pa nito, "Oh my god, my crush. Too young ????"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, in-upload ni Gretchen ang isang video greeting mula sa kanyang brother/crush.

IT'S SHOWTIME FAMILY. Maging ang mga kasamahan ni Franco sa It's Showtime ay ikinalungkot din ang balita.

Nagpahayag ang mga ito ng pakikiramay sa pamamagitan ng kani-kanilang Twitter accounts.

Karamihan sa kanila ay nasa New Zealand ngayon para sa kasal ni Anne Curtis sa long-time boyfriend nitong si Erwann Heussaff.

Sa sunud-sunod na Tweets, ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Franco.

Unang tweet nito, "Tragic. This is just so heartbreaking. Oh my God!"

Sabi pa ni Vice, "Ito yung pagkakataon na hinihiling kong sana ito ang fake news. Sana lng please."

Pagtatapos niya, "Its 6am here. Still cant sleep. My tears wont stop falling."

Sabi naman ni Jugs Jugueta, "Life is too short. We will miss you, @hashtag_franco. ????????????"

Mensahe naman ng Girltrends member na si Chienna Filomeno, "Hi Francs, I hope you're okay up there. Kasi kami dito, sobrang lungkot. Sobrang mamimiss ka namin. You'll be forever in our hearts."

Nagpahayag din ng pakikiramay si Kim Chiu, na minsan ding nag-co-host sa It's Showtime.

Mensahe ng aktres, "heard about what happened to hashtag franco. sobrang tragic.. i always see him pag nag shoshowtime ako.. im not close to him but he is one of the nicest.. prayers for franco and his family..."

KAPAMILYA STARS. Nagparating din ng kanilang mensahe ng pakikiramay ang ilang ABS-CBN stars.

Sabi ng actor-singer na si Matteo Guidicelli, "Read about the sad news first thing when I woke up. May your soul Rest In Peace Hashtag Franco. Sending out prayers to his family, friends and loved ones.."

Maganda rin ang pagkakakilala ng former Pinoy Big Brother teen housemate na si Bailey May kay Franco, kahit bihira niya itong makausap.

Tweet nito, "I woke up to the sad news today that Franco died. I only met him a few times but he was always such a nice guy, gentle and friendly. Our thoughts and prayers are with his family and all his friends and fans. I hope u could find Peace and Shelter in The Lord Jesus????????Matthew 5:4"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ilan pang artista na nagpahayag ng kanilang pakikiramay:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN