Vice Ganda condemns basher for wishing Jon Lucas dead instead of Franco Hernandez

by Nikko Tuazon
Nov 12, 2017
Vice Ganda took to Instagram earlier today to condemn a basher's malicious post wishing Hashtags member Jon Lucas (right) dead instead of Franco Hernandez (left, in black shirt), who passed away yesterday, November 11, after a drowning incident in Davao Occidental.  

Hindi pinalampas ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang pambabastos diumano ng isang Twitter user na may handle name na @kimikimo0111 ukol sa pagkamatay ng Hashtags member na si Franco Hernandez.

Ikinagalit nang husto ni Vice Ganda ang kanyang nabasa sa Twitter lalo't nabanggit din ang pangalan ng kasamahan ni Franco sa Hashtags na si Jon Lucas.

Hindi na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nasabing tweet na ito ngunit ilang netizens ang nakapag-screenshot ng sinabi ni @kimikimo0111.

Sa kanyang tweet, "Bat si Franco pa yung namatay di nalang si Jon Lucas. #RIPFrancoHernandez"


Continue reading below ↓

Kasalukuyang nasa New Zealand si Vice Ganda para sa kasal ni Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Subalit hindi nito pinalagpas ang pagakakataon at agad ipinagtanggol ang kanyang mga kaibigan at kapwa It's Showtime co-hosts sa tatlong sunud-sunod na tweets.

Sulat nito, "Sa gitna ng pagluluksa namin ngayon di ko papayagang may lumapastangan sa mga taong malapit sakin. Napakawalang hiya mong hayup ka!"

Nagbanta rin si Vice Ganda na ipapahanap nito ang nag-tweet ng di-kaaya-aya tungkol kina Franco at Jon.

Patuloy ni Vice Ganda, "Hintayin mong makabalik ako sa Pilipinas at ipahahanap kitang demonyo ka! Di mo alam kung gaano kalungkot ang pinagdadaanan namin ngayon!"

Dagdag pa niya, "Gusto ktang makita sa personal. Gusto kong sabihin mo sa akin yan ng harapan. Gusto ktang paglaanan ng oras. Wag mga kaibigan ko. Wag ngayon."

Agad namang binura ng nasabing Twitter user ang kanyang mga sinabi at nag-private na rin ng account matapos matanggap ang mensahe ni Vice Ganda, maging ang mga tugon ng iba pang mga netizens sa Twitter.

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang Sabado ng hapon, November 11, ikinalungkot ng sambayanan ang biglaang pagkamatay ni Franco nang dahil sa pagkalunod sa isang resort sa Davao Occidental.

Noong naganap ang aksidente, kasama ni Franco ang kapwa Hashtags member na si Tom Doromal, ang non-showbiz girlfriend nito na si Janica Nam Floresca, at dalawa pang kaibigan na nakaligtas sa trahedya.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda took to Instagram earlier today to condemn a basher's malicious post wishing Hashtags member Jon Lucas (right) dead instead of Franco Hernandez (left, in black shirt), who passed away yesterday, November 11, after a drowning incident in Davao Occidental.  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results