Mariel de Leon fails Miss International 2017 bid; Indonesia wins the crown

IMAGE Courtesy of Missosology

Kevin Lilliana (right) is the first Indonesian to be crowned Miss International. Philippine bet Mariel de Leon (left) fails to make to the Top 15 of this year's pageant.


Nabigo ang kandidata ng Pilipinas na si Mariel de Leon na maiuwi ang korona ng Miss International 2017 para sana sa back-to-back win para sa bansa.

Si Kylie Verzosa, na isa sa mga judge ngayong taon, ang nanalo noong 2016.

Ang kinoronahang Miss International 2017 ay si Kevin Lilliana ng Indonesia.

Ito ang unang beses na nanalong Miss International ang kandidata mula sa Indonesia.

Ginanap ang grand coronation ng Miss International 2017 sa Tokyo Dome City sa Japan, ngayong Martes, November 14.

First runner-up si Chanelle De Lau ng Curacao; second runner-up si Diana Croce ng Venezuela; third runner-up si Amber Dew ng Australia; fourth runner-up si Natsuki Tsutsui ng Japan.

Hindi nakapasok sa Top 15 si Mariel.

Kabilang sa Top 8 ang mga kandidata mula Laos, United Kingdom, at Ecuador.

Napasama naman sa Top 15 ang mga kinatawan mula sa Finland, Ghana, Honduras, Panama, Slovakia, South Africa, at Thailand.

Kinoronahan namang Continental Queens ang Korea (Miss International-Asia), United Kingdom (Miss International-Europe), Bolivia (Miss International-America), Ghana (Miss International-Africa), at New Zealand (Miss International-Australia).

Special awardees ang mga sumusunod: Miss National Costume - Japan; Miss Perfect Body - Australia; Miss Best Dresser - Indonesia.

Ito ang Instagram posts ni Mariel de Leon kung saan kasama niya sa Miss International 2017 Kevin Lilliana ilang araw bago ganapin ang grand coronation:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN