Hollywood star Bette Midler calls Philippine President Rodrigo Duterte "murderous dictator"

IMAGE Instagram

Hollywood singer-actress Bette Midler called President Duterte a "murderous dictator" in a tweet and criticized US President Donald Trump. The 71-year-old icon is a staunch critic of the American president.


Mapangahas ang tweet ng multi-awarded American singer-actress na si Bette Midler laban kina US President Donald Trump at Philippine President Rodrigo Duterte.

May pangungutya ang tweet ng 71-anyos na Grammy awardee sa dalawang lider.

Tinawag pa niyang “murderous dictator” si Pangulong Duterte.

Tweet ni Bette noong November 13: “Murderous dictator Duterte serenaded Trump with a Filipino love song. Vlad, somebody's tryin' to steal your man!”

Ang Hollywood singer-actress ay kilalang kritiko ni US President Trump.

Kabilang si Trump sa world leaders na pumunta ng Pilipinas para sa ASEAN (Association of South East Asian Nations) Summit, na ginanap nitong nakalipas na tatlong araw.

Kontrobersiyal si Pangulong Duterte sa loob at labas ng bansa dahil sa akusasyon ng extrajudicial killing cases dito sa Pilipinas, dulot na rin ng agresibong kampanya ng gobyerno kontra-droga.

Ang tinutukoy naman ni Bette na pag-“serenade” sa American president ay ang pag-awit ni Pangulong Duterte ng “Ikaw” sa ASEAN gala dinner noong Linggo, November 12.

Sa kanyang speech, sinabi ng Duterte na kumanta siya upang pagbigyan ang hiling ni Trump.

Sabi niya, "Ladies and gentlemen, I sang an invited duet with Miss Pilita Corrales upon the orders of the commander-in-chief of the United States."

Ang tinutukoy naman na "Vlad" ni Bette sa kanyang tweet ay si Russian President Vladimir Putin.

Hindi lingid sa international politics na suportado nina Putin at Trump ang isat isa, sa kabila ng mga kontrobersiya sa kanilang ugnayan.

Kabilang dito ang kasalukuyang alegasyong pakikialam umano ni Putin sa US elections noong 2016, kung saan nanalo si Trump.

Ipinagtanggol naman ni Trump si Putin at sinabing wala itong kinalaman sa isyu, dahil ilang beses daw na personal na itinanggi sa kanya ni Putin ang alegasyon.

Si Bette ay kilalang singer at aktres.

Siya ang nagpasikat ng mga kantang “Wind Beneath My Wings” at “From A Distance.”

Ilan naman sa mga sikat niyang pelikula ay ang Hocus Pocus (1993), First Wives Club (1996), at Beaches (1988).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN