Paolo Ballesteros defends Mariel de Leon from bashers after Miss International stint

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Paolo Ballesteros (right) says a lot of Filipinas have apprehensions on joining beauty pageants because of fear. He said, "Una, maba-bash sila. Takot na takot na makita ng ibang tao ang mga kamalian, na hindi naman dapat ganun."


Ipinagtanggol ng actor-TV host na si Paolo Ballesteros si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon mula sa sobrang pambabatikos ng ilang netizens.

Ito ay matapos mabigo si Mariel na maiuwi ang korona sa Miss International 2017 pageant na ginanap sa Tokyo, Japan, noong November 14.

Bilang isang taga-showbiz din, nauunawan ni Paolo na kalakip na ng industriya ang magkaroon ng bashers at haters, lalo na sa age of social media.

Ngunit hindi naman daw makatuwirang porke't hindi nanalo si Mariel ay kung anu-ano nang paninisi ang kailangang ipukol sa anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Pahayag ni Paolo, "Kay Mariel, ang hirap kasi na sumali sa isang beaucon, kaya marami sa ating mga Pilipina ang ayaw sumali talaga dahil takot.

"Una, maba-bash sila.

"Takot na takot na makita ng ibang tao ang mga kamalian, na hindi naman dapat ganun.

"Kaya nga may mga judges, sila yung dapat magpuna.

"Kumbaga tayo, supporters tayo, hindi tayo ang mga judge."

Ani Paolo, ipaubaya na sa judges and pagpapasya kung sino ang magwawagi sa beauty pageants.

"May mga taong ang trabaho ay yun, ibigay na natin sa kanila.

"Hindi naman natin kilala nang personal yung kandidata natin, nakiki-'heeey' lang tayo, suportahan na lang natin kung anuman ang ginawa nila."

Dugtong pa niya, "Kung gusto niyo, e, di kayo na lang sumali.

"Kung meron man kayong galit dun sa tao, e, sarilinin niyo na lang.

"Hindi naman makakatulong kung ipapakalat mo yung hate mo, yung nasa isip mo.

"Hindi ka nagmumukhang smart.

"Ni-represent na nga nung tao ang Pilipinas, tapos ganun pa ang mababasa."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa grand presscon ng pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, na ginanap sa Matrix Creation Events Venue, sa Quezon City, kahapon, November 15.

TOO JUDGMENTAL. Tinanong ng PEP.ph si Paolo kung nasasaktan siya para kay Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsahang tugon ng Eat Bulaga! co-host, "Oo naman!

"Parang ang hirap naman ng ginawa niya.

"Hindi naman madali yung kalabanin mo yung buong mundo, di ba? Tapos iba-bash ka pa.

"Kaya nga, yun ang sinabi ko na na maraming Pilipina ang nagsi-second thought na sumali, kasi nga, tayong mga Pilipino, ang galing-galing nating mag-judge."

Tinawag na nga raw si Mariel na "Mariel Karma," at sinisisi pa ng iba ang pagiging anti-Duterte niya sa kanyang pagkatalo.

Ano ang masasabi ni Paolo rito?

Saad niya, "Ang masasabi ko lang, yun sa mga namba-bash, e, sana ay di rin sila makarma.

"Yung pagtawag pa lang nila na 'Miss Mariel Karma' ay masamang gawain na yun, di ba?

"Alam naman pala nila yung ibig sabihin ng karma na, 'What goes around, comes around,' e.

"Sana, huwag namang mangyari sa kanila.

"Huwag na tayong maging sobrang judgmental o mag-isip nang hindi maganda sa kapwa."

Ayon pa kay Paolo, ginawa naman ni Mariel ang lahat ng puwede niyang gawin.

Pero maaaring iba raw ang panlasa ng mga hurado ng Miss International 2017. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN