Maria Isabel Lopez on driving along ASEAN lane: "It was a lapse of judgment on my part."

IMAGE Instagram photo of Maria Isabel Lopez

"Once again I'm apologizing to the people I have inconvenienced, 'yung public, those people who missed their flights. It was a lapse of judgment on my part," says Maria Isabel Lopez.


Nanindigan si Maria Isabel Lopez na hindi niya intensiyong lumabag sa batas-trapiko nang tanggalin ang traffic barriers para makapasok sa espesyal na traffic lane para sa mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa kahabaan ng EDSA, noong Sabado, November 11.


Stories We Are Tracking

Maria Isabel criticized for driving along ASEAN lane
Maria Isabel criticized for driving along ASEAN lane

Ngayong araw, November 16, nagtungo ang dating beauty queen sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) upang magbigay ng paliwanag sa kanyang ginawa.

Ayon sa ulat ng GMA News, inamin ni Maria Isabel ang kanyang pagkakamali.

Ngunit giit niya, “Alam mo, sinabi ko naman sa kanila na ang intention ko is simply not to breach the security because I was talking to an MMDA official.

“If there is an intention to breach security, I wouldn’t have to talk to him. You will just go ahead and do what you want.”

Kasunod nito ay humingi rin ng paumahin si Maria Isabel sa mga naperhuwisyo sa kanyang ginawa.

“Siyempre, once again, I’m apologizing to the people I have inconvenienced, yung public, those people who missed their flights.

"It was a lapse of judgment on my part," sabi niya.

Ayon sa LTO, kasama sa naging violation ng veteran actress ang paglabag sa traffic sign, paglabag sa security protocol for the 31st ASEAN Summit, at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.

Sinabi rin ng ahensiya ng gobyerno na "improper person to operate a motor vehicle" si Maria Isabel.

Bunsod nito, maaaring masuspindi ang lisensiya ni Maria Isabel sa pagmamaneho.

Gayunman, binigyan siya ng pagkakataon ng LTO na magsumite ng written explanation bago magdesisyon tungkol dito.

Inaasahang maibibigay ito ng kampo ng aktres ngayong hapon.

Ayon sa LTO, maglalabas sila ng desisyon sa loob ng limang araw matapos matanggap ang petition paper mula sa aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN