Jason Abalos still in adjustment period as a Kapuso

IMAGE Noel Orsal

Jason Abalos feels like a newbie after transferring to GMA Network. "Parang simula ng panibagong pakikibaka na naman." 


Aminado si Jason Abalos na nangangapa pa siya ngayon bilang isang Kapuso artist.

Pumirma ng exclusive contract ang dramatic actor sa GMA Network noong October 3.


Stories We Are Tracking

Jason Abalos transfers to GMA Network
Jason Abalos transfers to GMA Network
Jason Abalos on GMA-7 transfer:
Jason Abalos on GMA-7 transfer: "Three years kong iniisip at 'pinagdarasal."

Sa ABS-CBN nagsimula si Jason nang sumali siya sa artista search na Star Circle Quest Season 2 (2004-2005).

Naging loyal Kapamilya siya sa loob ng 12 taon.

Ano ang inaasahan niya ngayong isa na siyang Kapuso?

Tugon ni Jason, “Para sa akin, hindi lang naman sila yung magbibigay.

"Parang tulungan kaming dalawa na meron akong ipapakitang maganda, ipapakitang bago.

"Kasi, di naman puwede na, 'Bibigyan namin ng trabaho si Jason.'

“So far naman, okay ang plano sa akin ng GMA. So, natutuwa po ako dun.

"At ang pagtanggap sa akin, sobrang warm ang pag-welcome sa akin sa GMA."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa GMA Artist Center Grand Fans Day, na ginanap sa Music Museum, San Juan City, nitong Biyernes, November 17.

ADJUSTMENTS. Pag-amin ng 32-anyos na aktor, marami siyang adjustments na nararanasan bilang bagong Kapuso.

“Madami. Madami siyempre. Parang nagsisimula ulit ako ng panibagong ano, e.

“Ang tagal ko sa kabila, tapos dito, parang simula ng panibagong pakikibaka na naman, siyempre pakikisama.”

Biniro namin si Jason na sa higit isang dekada niya sa showbiz ay nakakaramdam pa siya ng pangangapa.

“Totoo naman. Kasi yung mga tao ngayon, yung mga katrabaho mo, like Artist Center, bagong environment.

“Kasi yung twelve years ko sa kabila, yung bawat ano [kilos] run, kabisado ko na, di ba?

“Yun talaga yung nagbabago, yung mga proyekto. Pero yung mga tao talaga, kilala ko talaga.

"So, para sa ‘kin, parang bagong artista na!" natatawang paliwanag niya.  

Nagsimula na raw si Jason mag-taping para sa una niyang proyekto sa Kapuso network, ang upcoming primetime series na The One That Got Away.

Makakasama ni Jason sa teleseryeng ito sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos, at Max Collins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Medyo focused muna ako diyan.

“Siyempre, yung mga guestings sa GMA, ipinapakilala nila ako bilang isang bagong Kapuso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN