Vice Ganda devastated over Hashtag Franco Hernandez's death: "Nabaliw ako."

IMAGE Instagram @hashtag_franco

Vice Ganda on mourning the death of Hashtag Franco Hernandez: "In fact, after the live episode of Showtime yesterday, nakiusap ako sa management, 'Baka puwedeng ipa-pack up ko na ang taping ng GGV? Hindi ko talaga kaya magtrabaho. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Hindi ko kaya mangharot. Hindi ko kaya magpatawa. Ibigay niyo na sa akin. Just give me a day to mourn for my son, Franco.'"


Inamin ni Vice Ganda, 41, na dinibdib niya nang husto ang biglaang pagpanaw ng Hashtags member na si Franco Hernandez, 26.

Aksidenteng nalunod si Franco matapos tumaob ang bangkang sinasakyan nito sa Davao Occidental noong nakaraang Sabado, November 11.

Si Franco ay miyembro ng all-male group na Hashtags ng It’s Showtime.

Sa burol ni Franco noong November 16, inihayag ni Vice sa kanyang eulogy na naging malapit ang loob niya kay Franco dahil madalas itong nakatambay sa dressing room ng It’s Showtime host.

Una raw silang nagkagaanan ng loob ni Franco nang magkasama-sama sila ng iba pang Hashtags members sa isang party.

Para raw kasing "kiti-kiti" si Franco sa walang humpay nitong pagsasayaw noon.

Dahil kinakitaan niya ito ng galing sa pagsasayaw at likas na kabaitan, inirirekomenda raw ni Vice si Franco na mag-host o mag-judge kung mayroong dance competition sa ABS-CBN noontime show.

“Si Franco, alam niya na kaya ko siya ipinapatawag para libangin niya ako.

“Nililibang niya ako talaga. Ta’s pag sumigaw na ako ng 'out,' lalabas na sila.

“Kaya nung nalaman ko na may nangyari kay Franco, nasa New Zealand ako for Anne’s wedding, I was really devastated.

“I couldn’t go out of my room. I was just crying the whole time. Nabaliw ako.”

Namatay si Franco isang araw bago ganapin ang kasal ng kasamahan nila sa It's Showtime na si Anne Curtis kay Erwan Heussaff sa New Zealand noong November 12.

GROUP CHAT. Sa pagpapatuloy ng kanyang eulogy, magkahalong lungkot at katatawanan ang ginawang pag-alala ni Vice kay Franco.

“Dun sa group chat ng Showtime, nanawagan ako, ‘I need to talk to someone. Sinong gising? Kailangan ko kausapin. Hindi ko ‘to kaya.’

“Para akong nabaliw. So, kinausap ko E.P. [executive producer] namin, hagulgol ako nang hagulgol.

“Ta’s nakita ko sa cellphone ko two hours na kaming nag-iiyakan. Sabi ko, ‘Bye.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi na-realize ko ang mahal ng babayaran ko!

“Iiyak na lang ako, ta’s iri-record ko, ta’s pasa ko sa Viber.

“Ang tanga-tanga ko naman. Bakit hindi ako sa Viber tumawag, Job? Hindi mo rin sinabi.”

Sa puntong ito, sumingit ang executive producer ng It's Showtime at sinabing hindi niya maputol ang paghagulgol ni Vice sa telepono.

Pero natatawang balik-sagot ni Vice, “Oo, ihihinto ko, ang mahal nun, 'no! Puwede namang, ‘Huhuhu… Wait, tawag ako sa Viber… Wala na si Franco!’”

Dala ng sobrang kalungkutan, hindi raw kayang makipagsaya sa araw ng kasal nina Anne at Erwan noong sumunod na araw.

Nagsabi pa raw si Vice sa It’s Showtime co-host niyang si Vhong Navarro na ipaabot kay Anne na hindi niya kayang sumunod sa wedding reception.

“I could not celebrate. I couldn’t take pictures anymore.

“Pag may piktyuran, umaalis ako, kasi hindi ko kayang idamay sila sa lungkot ko.

“Nakatulala ako, nakasimangot ako. Naka-shades ako the whole time.”

Sabay hirit ng comedian-TV host, “Hindi ako masyadong nag-make up. Pero maganda ho ako nung araw na yun.”

NOT HIS "DYOWA," BUT LIKE A SON. Hindi raw makakalimutan ni Vice ang masayang pagsasalu-salo nila ni Franco at ibang miyembro ng Hashtags tuwing lunch time.

Madalas ay sabay-sabay raw silang nag-iisip kung ano ang kanilang kakainin, at si Vice ang taga-order ng kanilang requests.

“Magpapabili na ako ta’s babalik na sila pag andun yung pagkain.

“Makakapal talaga ang mukha! Ginagawa nila akong caterer,” biro pa niya.

Pagtukoy niya naman kay Franco, “Tapos babalik ka na pag may Coke ka na. Sana inisip mo kung anong nararamdaman ko.

“Hindi, okey lang, naramdaman ko na nauuhaw ka na.”

Ayon kay Vice, sobra siyang apektado sa pagkawala ni Franco kaya humingi siya ng permiso sa trabaho na nais niyang maglaan ng isang gabi sa burol ng kaibigan upang magbigay ng eulogy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sakto kasing taping din sana ng kanyang weekly show na Gandang Gabi Vice (GGV).

“Sabi ko, 'Ayoko nang magsalita. Ang sakit-sakit ng dibdib ko.'

“In fact, after the live episode of Showtime yesterday, nakiusap ako sa management, ‘Baka puwedeng ipa-pack up ko na ang taping ng GGV?

“'Hindi ko talaga kaya magtrabaho. Ang sakit-sakit ng dibdib ko.

“'Hindi ko kaya mangharot. Hindi ko kaya magpatawa. Ibigay niyo na sa akin.

“'Just give me a day to mourn for my son, Franco.’”

Nagbigay-pugay rin si Vice sa mga magulang ni Franco, dahil nanatiling matatag at positibo ang mga ito sa kabila ng pagpanaw ng kanilang anak.

Naging malinaw rin daw sa It’s Showtime host kung kanino namana ni Franco ang kabutihan ng puso nito.

“Siguro kaya ginawa na rin akong bakla ng Diyos. Kasi ito pala, hindi ko talaga kaya.”

Patuloy ni Vice, “Mahal ko ‘to. Mahal ko ‘tong batang to.

“In fact, mahal na mahal ko po yung anak niyo.”

Bago mabigyan ng malisya ang kanyang tinuran, paglilinaw ni Vice, “Pero hindi po kami magdyowa. Baka isipin niyo…

“Hindi po kami magdyowa. Hindi po ako pumapatol sa below 5’7”.

“Halos lahat po ng dyowa ko six-footer, mythical five, PBA levels. Joke! Charot!

“Yung anak niyo, basketball player man ‘to, sa mosquito division lang ‘to naglaro.”

A WAKE FILLED WITH LOVE. Sa huli, sinabi ni Vice na na-realize niyang mas maganda pala ang magkaroon ng simple ngunit puno ng pagmamahal na burol kaysa ang magarbo pero panay nakikiusyoso lang ang dumalo.

“Kasi ako, prepared na ang pagkamatay ko.

"Nakasulat na ako ng kung anong gusto kong mga kanta, kung ano ang kabaong ko, kung anong makeup ko, kung anong kulay ng buhok ko.

"Nailatag ko na sa mga kaibigan ko."

Nais din daw niya noon na mala-EDSA rally ang dagsa ng tao sa kanyang burol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I realized just now, hindi ko pala kailangan ng traffic sa EDSA sa huling araw ng lamay ko.

“Okey na ako sa ganito. Sakto lang ang bilang ng tao, pero alam kong lahat ng andidito nagmamahal kay Franco…

“Ilan, but genuine and sincere. I love you, baby boy!”   

Base sa YouTube video ni Showbiznest.com, ginanap ang eulogy sa huling gabi ng lamay kay Franco sa Arlington Memorial Chapel noong November 16.

Na-cremate ang labi ng binata kahapon, November 17.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN