Robin Padilla meets grandson Alas for the first time; Kylie Padilla gets emotional

IMAGE Robin Padilla Instagram

Robin Padilla on meeting grandson Alas Joaquin for the first time: "Walang pinakamasaya sa isang lolo kundi ang mayakap at mabuhat ang isa sa unang apo. Allah hu Akbar napakasarap iparinig sa kanyang tenga ang Adhan/call to prayer bilang unang pamana sa kanyang napakamusmos at matalas na pandinig. Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na @kylienicolepadilla sa pagdala kay ALAS sa akin."


Nakita na sa wakas ni Robin Padilla ang kanyang apo kay Kylie Padilla na si Alas Joaquin.

Naganap ang unang pagkikita ng mag-lolo sa first birthday party ng anak nina Robin at Mariel Rodriguez na si Isabella nitong Sabado, November 18, sa The Blue Leaf, sa Taguig City.

Ibinahagi ni Robin sa kanyang Instagram account (robinpadilla) ang isang video na kuha ng manager niyang si Betchay Vidanes.

Mapapanood dito ang paghaharap nila ni Kylie at ng anak nitong si Alas.

Karga-karga ni Kylie ang anak habang kasama naman ni Robin ang misis niyang si Mariel.

Hindi kasama ng mag-ina ang nobyo ng aktres na si Aljur Abrenica.

Pagkakita ni Robin sa apo ay sinabi nitong, "Ang pogi naman nito."

Pagkatapos ay kinaskas ng aktor ang dalawa niyang palad at saka hinipan bago kargahin si Alas.

Nagtapos ang maikling video habang hinehele ni Robin ang kanyang apo.

Habang nagaganap ito ay hindi naman napigilan ni Kylie ang mapaiyak.

Sa caption ng kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Robin ang nararamdaman sa pagkikita nila ni Alas.

Pahayag niya, "Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha!!!

"Walang pinakamasaya sa isang lolo kundi ang mayakap at mabuhat ang isa sa unang apo.

"Allah hu Akbar napakasarap iparinig sa kanyang tenga ang Adhan/call to prayer bilang unang pamana sa kanyang napakamusmos at matalas na pandinig.

"Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na @kylienicolepadilla sa pagdala kay ALAS sa akin.

"Alhamdulillah ganon din sa iyo @marieltpadilla wala ng hihigit pang kaligayahan sa araw na ito.

"Pagpupugay sa lahat ng mga kumilos para maging matagumpay ang pagkikita na ito @vidanes_cm @kayegarcia13 .... we miss you @queeniepadillarevert"

Sa sariling Instagram account naman ni Kylie (kylienicolepadilla), ibinahagi niya ang group photo ng Padilla clan, na kuha sa birthday party ng kapatid niyang si Isabella.

The clan. Happy birthday baby sis ???? we love you.

A post shared by bulldog (@kylienicolepadilla) on

THE BACKSTORY. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na may tampo si Robin kay Kylie at sa nobyo nitong si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kasi nasunod ang kagustuhan ni Robin na ikasal muna ang dalawa.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Aljur at Kylie ay sinabi nilang ilang beses silang sumubok na ilapit si Alas sa lolo nito.

Ngunit hindi raw sila hinaharap ni Robin.


Stories We Are Tracking

Aljur Abrenica admits Robin Padilla has not seen Baby Alas
Aljur Abrenica admits Robin Padilla has not seen Baby Alas
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Aljur Abrenica says
Aljur Abrenica says "sorry" to Robin Padilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN