Rachel Peters cites her advantage over Miss U contenders: "I'm coming from the Philippines."

IMAGE @rachelpetersx on Instagram

Miss Universe-Philippines 2017 Rachel Peters talks about her distinct advantage over the rest of her Miss Universe 2017 competitors: "Well, I think my advantage is I'm coming from the Philippines. Everyone knows that the Philippines is a powerhouse."


Bago pa man tumulak si Bb. Pilipinas-Universe 2017 Rachel Peters papuntang Las Vegas, Nevada noong November 11, marami na ang naging curious kung ano ang mga preparasyong ginagawa niya para makuha ang korona bilang Miss Universe 2017.

Sa ngayon ay kabilang si Rachel sa early favorites dahil nangunguna ito sa online poll ng Miss Universe website.

Ang Miss Universe 2017 ay gaganapin sa The AXIS, sa Planet Hollywood, sa Las Vegas, sa darating na November 26.

Anu-ano nga ang kanyang naging paghahanda sa Big Day na ito?

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I go to the gym everyday, had some facial.

"I'm going there fresh.

"We have several gowns, I have other gowns like one for my National Costume.

"It's very different, very different. So, it's a shock."

Pagdating sa Question & Answer portion na isa sa pinaka-aabangang bahagi ng prestigious international pageant na ito, handang-handa na rin daw siya.

Katulad nga raw ni Pia Wurtzbach, nire-review din daw niya ang mga Q & A ng mga nakaraang beauty contests para makadagdag din sa kanyang kaalaman.

Aniya, "Well,I have a Q & A notebook compiling since a few months even before the Binibini [Bb. Pilipinas], so I read that everyday.

"I also have some Q & A from our camp, but for me, its really my training with Mr. Boy Abunda that really helped me with my much-needed boost."

TIPS FROM PIA. Marami rin ang nagtatanong kung sinuportahan din siya ni Pia at kung may tips din ba itong ibinigay sa kanya.

Giit naman ni Rachel, "Yes, yeah.

"We haven't met personally, we met once but we've been very, very busy.

"But she's been very kind to me on Instagram, she's been giving me a lot of tips especially about Vegas—same hotel, same venue.

"Her advice was very important."

ADVANTAGE. Sa tingin niya, ano nga ba ang advantage niya sa iba pang kandidata na manggagaling sa iba't ibang bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsong sagot ng 26-year-old beauty queen, "Well, I think my advantage is I'm coming from the Philippines.

"Everyone knows that the Philippines is a powerhouse.

"I've been so privileged to have some people who have been wanting to work with me and wanting to help me create the person that I am today.

"The clothes that I'm wearing, and all those... and my fans, that's by far, my biggest advantage."

Paano nama niya naisipan ang "Infinity walk" na siyang magiging signature walk niya sa kanyang pakikipag-compete.

Saad ni Rachel, "All props come from Ms. G and from my camp who's amazing.

"She's trained all the girls—Bea Santiago, MJ Lastimosa—and we all have a standard walk that we're trained to do.

"But once you enter an international level, that's when you're able to show who you really are, your personality.

"I guess that's how it turned out."

Handang-handa na rin daw siya sa kumpetisyon na ito, pero hiling din niya ang mga panalangin ng ating mga kababayan dahil hindi lamang daw ito tagumpay niya kundi tagumpay din ng buong bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN