Neri Naig's father passes away before meeting grandson

Neri Naig posts an emotional letter for her father who passed away recently. 


Pumanaw na ang ama ng aktres na si Neri Naig.

Sumakabilang buhay ang kanyang ama pagkatapos ng first birthday celebration ng anak nina Neri at Chito Miranda na si Miggy nitong weekend. 

Ang okasyon sanang iyon ang unang pagkakataong magkikita ang anak ni Neri at ang lolo nito, subalit hindi na ito nangyari dahil binawian ng buhay ang ama ng aktres.

Sa Instagram post ng Star Circle Quest alumna nitong Lunes, November 20, isang liham para sa yumaong ama ang ibinahagi niya.

Kalakip nito ang isang larawan, kung saan makikita ang anak nina Neri at Chito na nakaupo sa tabi ng kabaong ng mga labi ng kanyang lolo.

“Marami akong gustong sabihin sa 'yo. May letter ako na di matapos tapos para sa 'yo. Lahat lahat gusto kong sabihin sa 'yo,” simula ng caption ng dating aktres sa kanyang Instagram post.

Lahad pa ni Neri, “Few days ago naglilinis ka daw ng bahay kase sabi mo daw may bisita ka, uuwi daw ako.

“Wala akong pinagsabihan na uuwi ako.

“Dadalawin ka talaga namin para ipakita ang apo mo at mapiktyuran ko kayo kase sabi ko sa asawa ko at kay Mommy na baka di ko maabutan.

“Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.

"Hindi tayo nagka abot.”

Makahulugan pang post ni Neri para sa ama, “Pero matagal na kitang pinatawad.”

Ipinakilala rin ni Neri sa ama ang apo nito.

“Si Miggy pala, Dad, ang anak ko.

"Hindi mo man siya nabuhat pero paglaki niya, ikukuwento ko lang lahat ng masasayang alaala ko sa 'yo.”

Hindi tinukoy ni Neri sa kanyang post kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng ama.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN