Vice Ganda, Maine Mendoza, Anne Curtis, other celebs campaign for Miss U bet Rachel Peters

IMAGE ABS CBN PR / Noel Orsal

Rachel Peters (main photo), Philippine representative to Miss Universe 2017 pageant, is overwhelmed by support of local celebrities like (clockwise) Vice Ganda, Anne Curtis, Solenn Heussaff, and Maine Mendoza on social media. 


Nagkaisa ang ilang artista mula sa magkalabang TV networks para ikampanya ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters sa Miss Universe 2017.

Nanguna rito ang Kapamilya stars na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Gretchen Ho, at Pokwang; at ang Kapuso stars na sina Maine Mendoza at Solenn Heussaff.

Sa pamamagitan ng social media, nag-tweet ang ilang local celebrities para manawagan na gamitin ang hashtags na #MissUniverse at #Philippines upang makalikom ng maraming boto si Rachel online.

Ang magwawagi sa online voting ay automatic na magiging finalist sa grand coronation ng Miss Universe 2017 sa Las Vegas, Nevada, USA, sa November 27 (Philippine time).

Nakiusap sina Vice at Maine sa kani-kanilang fans na suportahan si Rachel.

Pagbibigay naman ng lakas ng loob ang tweet ni Anne.

Nakuha pang magbiro ni Solenn kay Rachel na gusto niya itong makita nang personal, lalo pa’t maraming nagsasabing magkahawig sila.

Hindi naman naiwasan ni Rachel na magpaka-fan sa pagkampanya sa kanya ng ilang mga artista.

Sabi ng beauty queen sa kanyang Instagram Story, “OMG super fangirling Thank You @praybeytbenjamin @annecurtissmith @solenn”

Nagpahayag din ng pasasalamat si Rachel sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.

“Thank you so much to everyone else for voting for and supporting me, I appreciate you all more than any words can describe.”


Narito pa ang ilang artistang nag-tweet ng pagsuporta para kay Rachel:

Para sa online voting, i-tweet lamang ang #MissUniverse at ang #country o kaya naman ay ang bumisita sa vote.missuniverse.com at i-click ang kandidatang nais iboto.

May natitira pang apat na araw upang bumoto.


Stories We Are Tracking

Rachel Peters stuns at Miss Universe 2017 preliminaries
Rachel Peters stuns at Miss Universe 2017 preliminaries
Rachel Peters strikes gold with her national costume
Rachel Peters strikes gold with her national costume


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN