Marvin Agustin reacts to malicious rumors about him and Markki Stroem: "He's a good friend."

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw pinapatulan ni Marvin Agustin ang mga malisyosong pag-uugnay sa kanya at sa actor-singer na si Markki Stroem. Dalawang dekada na raw siya sa industriya at wala nang makapagpapapikon pa sa kanya. 


Matagal nang usap-usapan sa social media ang pagiging malapit diumano nina Marvin Agustin, 38, at Markki Stroem, 30.

Spotted daw kasi ang dalawang aktor na magkasama sa bakasyon sa Hong Kong at Amerika.

May ilang ding nagsabing nakita raw nilang magkasama sina Marvin at Markki sa isang beach sa Batangas.

Ang ilan naman ay nakapansing magkakaparehong lugar daw ang ipinu-post ng dalawa sa kanilang social media accounts.

Sa grand presscon ng bagong primetime series ng GMA Network na Kambal, Karibal kagabi, November 21, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin tungkol dito.

“He’s a good friend,” maiksi niyang tugon tungkol sa ugnayan nila ng actor-singer.

Hindi naman daw apektado si Marvin sa mga netizen na binibigyan ng malisya ang kanilang pagkakaibigan.

Sabi ng actor-businessman, “Twenty-two years na ako dito [sa showbiz], wala na yatang makakapagpapikon sa akin.”

KAMBAL KARIBAL. Samantala, balik-Kapuso si Marvin via Kambal Karibal, na magsisimula nang umera sa Lunes, November 27.

Ito ang papalit sa timeslot na babakantehin ng Alyas Robin Hood, na magtatapos na ngayong Biyernes, November 24.

Kasama ni Marvin sa cast sina Jean Garcia, Carmina Villarroel, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Alfred Vargas, Gloria Romero, Christopher de Leon, Jeric Gonzales, Rafa Siguion-Reyna, Kyline Alcantara, Sheree, Pauline Mendoza, at Gardo Versoza.


(The cast of Kambal Karibal.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN