Carmina Villarroel recounts chance encounter with BB Gandanghari: "Parang old friends... lahat happy."

IMAGE Noel Orsal

All is well for Carmina Villarroel and her ex-spouse as BB Gandanghari, a happy transwoman. Recently the former couple bumped into each other. The actress has this to say about BB, "Kung saan siya maligaya, do'n na ko. Kasi sobrang maligaya na ako sa buhay ko, so I just wish her well."


Nagkaroon na raw ng pagkakataong magkita sina Carmina Villarroel at ang dati niyang asawa, si Rustom Padilla, na ngayon ay legal nang babae, si BB Gandanghari.

Nagkataong may nirentahan si BB sa The Grove, Rockwell, bago ito umalis at may unit naman doon si Carmina at ang second husband niyang si Zoren Legaspi.

Nagkita-kita raw sila sa gym.
 
Kuwento ng aktres, “Doon ako nagdyi-gym and, apparently, doon din pala siya nagre-rent. 

"So, nagkita kami sa gym, kasama ko ang kambal pati si Zoren."

Ang kambal na anak nina Carmina at Zoren ay sina Cassy at Mavy. 

Patuloy ni Carmina, “Kay Zoren, wala namang problema dahil nagka-work na sila together, so mas sila ang nagkaka-chikahan.

“Tapos, ‘Uy, si Carmina nandiyan.’ Lumapit siya sa akin, hi and hello lang. 

“Wala… parang ano lang, old friends.”

Ano ang itinawag niya kay BB?

“BB!” natatawang sabi ni Carmina.

“E, yun ang name niya.  Wala, parang lahat happy.”

Sabi pa ng aktres, “Alam niyo sa akin, kung saan siya maligaya, dun na ako. 

“Whatever makes her happy, kasi sobrang maligaya na ako sa buhay ko, so I just wish her well.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa presscon ng bagong Kapuso primetime series na Kambal, Karibal, sa Le Reve Pool & Events Place, Quezon City, noong November 21.

MOM TO TWINS ON AND OFF CAM. Balik-Kapuso si Carmina para sa Kambal, Karibal.

Sasabak dito ang aktres sa sobrang iyakan bilang nanay na nawalan ng mga anak na kambal. 

Saan naman siya huhugot ng emosyon ganung masaya ang pamilya nila ni Zoren at ng kanilang teenaged twins na sina Cassy at Mavy?

“Nakakaiyak pa naman ako!” natawang sabi niya.

“Hindi ko kaya yung humuhugot ako from my personal life.

"Kasi ang saya-saya ko, ano pa ba ang puwede kong...

"I’m not saying na my life is perfect, pero wala namang kaiyak-iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since, kapag umaatake ako sa mga roles ko, dinadama ko lang ang role ko. 

“Noong pilot week yata, wala na ‘kong ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. 

“So,yung mga first few taping days, ano na nga ba ulit?

“Siyempre, hindi ko pa kilala ang character ko, pero after a while, yun na, nadama ko na ang character ko. 

"Siguro madali rin para sa akin kasi nanay.

"Tapos, yun nga, namatayan pa ng mga anak.”

Kung mapapansin daw sa teaser, napakalaki ng tiyan niya noong buntis siya.

Dahil siya raw mismo ang nagsabing dapat malaki talaga base sa karanasan niya.

“Talagang noong pagbubuntis ko, sabi ko, dapat ganito kalaki ang tiyan…

"Kailangan realistic dahil dalawa ‘yan, e.

“Kunwari hirap na hirap akong maupo, nagpa-flashback sa akin ang dati.”
 
LEGASPI FAMILY SITCOM? Sina Cassy at Mavy ay hindi raw nakikita nina Zoren at Carmina na papasukin din ang pag-arte.
 
Sa ngayon ay lumalabas na ang kambal sa Eat Bulaga!.
 
Ayon kay Carmina, “Naku, parang hindi pa yata, siguro hanggang ganun lang.

"Pasayaw-sayaw, pa-host-host. 

“Baka hindi makaiyak, hindi makapag-dialogue ng diretsong Tagalog.”
 
May pagmamanahan naman sa pag-arte, dahil artista ang parehong magulang. 
 
Saad ni Carmina, “Siguro, if ever, kailangan pa nilang mag-workshop.
 
“It’s not an easy job, yung pag-arte. It’s either you have it or wala. 

“Yung pagdating sa mga soap, parang hindi ko pa nakikita. 
 
“Siguro yung mga sketches, sitcom, puwede, pero soap…"
 
At saka niya isinunod, “Ang buhay namin parang sitcom, di ba?”
 
Puwede rin pala silang gumawa ng family sitcom.
 
Reaksiyon ni Carmina, “Alam niyo, nai-imagine ko, pati ang mga kambal. 

“Kung siguro negosyante ako, palagi akong may dalang camera, parang reality. 

“Kapag nakita mo ang household namin, mga character!
 
“Isang buong sitcom ang bahay namin,

"Pati mga aso namin, mga character, dyusko! 

“Actually, masaya, masaya siya!”
 
Kung sakali ay puwede rin na si Zoren ang magdidirek sa kanila.
 
“Korek! At saka, siya rin ang numero-unong karakter sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi dahil sa kanya, hindi magiging comedy ang bahay namin.

"Dahil sa kanya yun, e,” sabi ni Carmina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN