Andre Yllana admits being closer to mom Aiko than to dad Jomari

IMAGE Glenn Regondola

Andre Yllana says although there is pressure in following his parents' footsteps, he is up for the challenge. "Alam mo yung nakakakaba dahil iisipin mo yung sasabihin ng tao na dapat mahusay din ako katulad ng parents ko. Pero gaya nga ng sabi ni mommy, ang lahat ng bagay natututunan yan. Dahan-dahan lang." The 19-year-old newbie actor is the eldest child of Aiko Melendez and Jomari Yllana. 


Aminado si Andre Yllana na malaki ang pressure na kanyang nararamdam dahil sa pagkakaroon ng mahuhusay na artistang mga magulang sa katauhan ng award-winning actor and actress, na sina Jomari Yllana at Aiko Melendez.

"Actually sobrang pressure po, kasi si mommy naturingang magaling na aktres," pahayag ng 19-year-old showbiz newbie.

"Alam mo yung nakakakaba dahil iisipin mo yung sasabihin ng tao na dapat mahusay din ako katulad ng parents ko.

"Pero gaya nga ng sabi ni mommy, ang lahat ng bagay natututunan yan. Dahan-dahan lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa contract signing para sa iniendorsong BNY Clothing kasama ang co-Star Magic talent niyang si Heaven Peralejo kamakailan.

Binibigyan ba siya ng advice ng kanyang mommy at daddy egarding acting? O humihingi ba siya ng advice sa kanila?

"Ako kasi mahiyain ako pagdating sa ganyan, yung advice-advice," sagot ni Andre.

"Hinihintay ko na lang na sila yung magbigay.

"Si Mommy naman lagi nagbibigay ng advice na kailangan lagi ka lang humble, lagi mo babatiin yung artistang mas nauna sa'yo.

"'Tsaka sabi niya rin sa akin na dapat mahalin mo yung mga press."

Nangangarap din ba siyang magkaroon ng awards katulad ng kanyang mga magulang?

"Opo, siguro po pag dumating na ako dun sa point na nagkaroon ako ng award, yung unang award ko ibibigay ko kay Mommy.

"Gusto ko sabihing, 'Ma may award din ako pero para sa'yo ito.'

Pangarap din daw ni Andre na makasama ang ina sa acting projects.

"Gusto ko talaga kahit si Mommy lang, makasama ko sa isang show o isang movie. Pangarap ko talaga na magkaroon ng movie with Mom."

Pero mahilig pa rin siya sa car racing tulad ng amang si Jomari. 

"Hilig ko po talaga yun since bata pa ako. Sa daddy's side ko naman yun nakuha.

"Pero actually hindi naman po talaga ako kumakarera, kumbaga po nangangarap pa lang kumarera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko nga po sumali at kumarera. Alam ni dad yun, pero may napag-usapan na kami. Yun kasi yung bonding namin once a week.

"Pupunta lang kami ng race track tapos tuturuan niya ako. Ayun, so sana matupad.

Gaano kasuportado ang daddy niya sa pagpasok niya sa showbiz?

"Si Daddy kasi dati pagkakaalala ko ha, ang alam ko ayaw ni Daddy. Sabi niya, 'Mag-aral ka muna. Ganun din si Mommy.

"Nung natapos ko yung high school, dun na sila nagkasundo na, 'O sige kung gusto mo talaga, sige suportahan ka namin.'"

Inamin ni Andre na hindi siya ganoon ka-close ng kanyang amang si Jomari.

"Kami kasi ni Daddy, hindi ko rin naman masabi na sobrang close, dahil hindi naman kami lagi nagkikita dahil busy din si Daddy.

"Nung time na hindi pa siya councilor, every week kami nagkikita.

"Siyempre ngayon medyo hectic ang schedule, so as much as possible text na lang o ako na lang yung nago-offer na, 'Dad ako na lang ang pupunta diyan.'

"So paganun-ganun, kaya kahit papano close din."

Kapag may problem siya, kanino siya lumalapit?

"Depende sa problema," sagot ni Andre.

"Pag problemang pagbibinata o minsan may mga panahon na hindi ko nasasabi kay Daddy, kay Mommy ko nasasabi.

"Kasi si Mommy tumatayo ding Daddy sa amin. Sinusubukan niya ding tumayong Tatay.

"Kaya nakakatuwa din si Mommy na tumatayo ding Tatay. Nakakatuwa.

"Kaya more on kay Mommy ako humihingi ng advice."

Sinasabihan din ba siya ng kanyang parents na unahin ang career bago ang love life?

"Si Mommy sabi niya focus lang daw muna sa career, pero pag dumating na talaga sa point na ma-in love ako, su-support naman daw siya.

"Kung saan daw ako masaya, masaya na rin siya at susuporta siya."

Ano ba ang qualifictions ng isang babae ang hinahanap niya at puwedeng magustuhan ng parents niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko yung God-fearing. 'Tapos siyempre magalang, yung typical na mabait at maganda.

Wala pa naman daw siyang napapakilalang babae sa Mommy at Daddy niya. 

"Wala pa naman, nakukuwento ko lang about my crushes."

BUDDING CAREER. Happy daw si Andre dahil meron na siyang kauna-unahang endorsement.

"Masaya po ako kasi may pamilya na akong malalapitan pagdating sa clothing.

"Ang maganda dun yung genre ng gusto ko pagdating sa damit ay nasa BNY.

"Actually first ko po ngayong teenager na ako, pero nung bata ako meron na rin."

Sa ngayon ay may mga upcoming projects si Andrew ngunit hindi pa niya pwedeng i-announce. 

"May inaayos na projects, sana matuloy. Saka ko na ikukuwento kapag sure na sure na. 

Sino yung gusto niyang maging ka loveteam?

"Yung gusto ko kasing ka loveteam may ka loveteam na, e. Si Liza Soberano, crush ko talaga siya," natatawa pero kinikilig na pahayag ni Andre.

Bakit si Liza ?

"Obvious naman sa looks, 'tapos napakabait niyang tao. Kahit na sobrang sikat na siya, napaka-humble niya at magaling na artista.

If yung wala pang partner?

"Puwede din si Leila Alcasid, kasi talaented din siya at maganda,

Iba'-t-ibang genre naman daw ang gustong masubukan ni Andre pagdating sa pag-arte. 

"Gusto ko yung drama, pero gusto ko ring subukan yung action at comedy.

Bakit action?

"Wala naman , gusto ko lang ma-try. Like si Dad nag-drama, action, at sexy hahaha! 

Kaya rin ba niyang magpa-sexy like his dad?

"Hindi ko alam. Hindi ko kaya, siguro magji-gym muna ako at paghahandaan ko. Pero sa ngayon hindi muna talaga.

Nakapanood na rin daw si Andre ng mga proyekto ng kanyang parents. 

"Si Mommy lagi ko napapanood. Yung ka'y Daddy bihira, e," paliwanag ng newbie actor.

"Warat lang yata yung movie na napanoood ko kay daddy. Sexy pa, hahaha!

"Kay mommy Wildflower lagi ko pinapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong masasabi niya na lahat ng success ng Mommy niya ay iniaalay niya sa kanilang magkapatid?

"Nakakatouch. Minsan nga pag ako lang nag-iisa naiiyak ako.

"Ramdam na ramdam naming magkapatid na love na love kami ni Mommy.

"Yung lahat ng ginagawa niya para sa amin.

"At the end of the day, lagi niya sinasabi sa amin na lahat ng ginagawa niya para sa aming magkapatid.

Sa sarili niyang paraan ay napaparamdam naman daw ni Andre kay Aiko ang kanyang pagmamahal. 

"Hindi kasi ako masalita, more on action ako.

"Mga simpleng yakap lang kay mommy alam na niya kung gaano ako ka-thankful at kung gaano ko siya kamahal.

"Sobrang mahal na mahal ko siya. Hindi ko ma explain, sobrang love ko si Mommy.

"Kasi yung relationship namin ni Mommy, para kaming magkapatid na magkaibigan. Pero at the same time, nandun yung respeto.

Sa daddy naman niya?

"Si Daddy kasi lagi niyang sinasabi sa akin na, 'Gusto ko magkaibigan lang tayo, lahat nasasabi mo rin sa akin.'

"So as much as possible naman nasasabi ko lahat kay Daddy."

Ano message niya kay Aiko?

"Sobrang mahal na mahal kita Mommy, nandito lang ako for you kahit anong mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN