Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

PH bet Mary Eve Adeline Escoto brings back-to-back win at Miss Asia Global

by Ruel J. Mendoza
Nov 24, 2017
Mary Eve Adeline Escoto—a 23-year-old physical therapist from Guimaras, Iloilo—was hailed as the winner in the recently-concluded Miss Asia Global 2017.

May dalang suwerte ang buwan ng Nobyembre para sa ilang Pinay beauty queens natin na kalahok sa international pageants.

Isa na namang korona ang nakuha ng Pilipinas dahil sa pagkapanalo ng 23-year-old na si Mary Eve Adeline Escoto sa Miss Asia Global 2017, na ginanap sa Kerala, India, noong nakaraang Martes, November 21.

Si Escoto ay isang physical therapist mula sa Guimaras, Iloilo.

Bukod sa korona, napanalunan din ni Escoto ang special awards for Best in National Costume, Best in Formal Wear, at ang The Missosology Choice Award.

Isa itong back-to-back win para sa Pilipinas dahil ang nagpasa sa kanya ng korona ay isa ring Pinay beauty queen, si Miss Asia Global 2016 Trixia Marie Marana.

Ito ang ikatlong panalo ng Pilipinas sa beauty pageants ngayong taon.

Una nang nanalo si Karen Ibasco sa Miss Earth 2017, at nauwi rin ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ang kauna-unahang titulo bilang Miss Reina Hispanoamericana 2017.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Ang ibang Pinay pa na sinuwerte sa buwan na ito ay sina Elizabeth Clenci, na nagwagi bilang second runner-up sa sa Miss Grand International 2017; at Nelda Ibe na first runner-up naman sa Miss Globe 2017.

Hindi naman sinuwerte na makapag-uwi ng titulo sina Laura Lehmann sa Miss World at Mariel de Leon sa Miss International, na pareho ding ginanap ngayong buwan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

STORIES WE ARE TRACKING

Nakatakda namang sumabak sa competition si Rachel Peters sa Miss Universe, na gaganapin sa Las Vegas, Nevada, sa Lunes, November 27.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mary Eve Adeline Escoto—a 23-year-old physical therapist from Guimaras, Iloilo—was hailed as the winner in the recently-concluded Miss Asia Global 2017.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results