Baron Geisler calls out Nadia Montenegro to return his car or pay him

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Galit na galit si Baron Geisler kay Nadia Montenegro dahil hindi pa raw nito ibinabalik sa kanya ang kotseng ipinapabenta. Kinakailangan daw niya ng pera pambayad sa penalty sa isang kaso niya.


Galit na galit si Baron Geisler sa aktres na si Nadia Montenegro dahil sa hindi pa nito pagbabalik ng kanyang pinapa-deal na kotse, na limang buwan na raw nasa aktres.

Nagbunsod ang galit ni Baron dahil sa patuloy raw na hindi pagpansin ni Nadia sa kanyang hiling na ibalik ang kanyang Toyota Camry, na ipinapabenta niya dahil kailangang-kailangan niya raw ng pera.

Himutok ni Baron sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Sabado ng hapon, November 25, “G*g* siya. Pinapahirapan niya buhay ko. Pinapahirapan niya ang buhay ko.”

Ayon pa sa aktor, kailangang-kailangan niya ng pera upang pambayad niya sa penalty sa eroplano kung saan nahuli siyang nanigarilyo sa lavatory nito noong Disyembre 2016.

Kailangan daw niyang mabayaran sa Pal Express ang halagang P50,000 bago pa ang December 5 upang hindi siya tuluyang makulong.

Kailan niya huling nakausap si Nadia?

Tugon ng kontrobersiyal na aktor, “A, binlock niya ako a month ago.

“Yun lang [maibalik ang kotse], kaysa makulong ako.”

Dagdag pa niya, “Kasi, I cannot reach her anymore, e. Ayaw niya makipag-usap, e.”

Noong Hunyo ng taong kasalukuyan, nag-post si Baron sa Facebook ng kanyang galit laban kay Nadia, ngunit binura rin niya ito kaagad.


Stories We Are Tracking

Baron Geisler, Nadia Montenegro bicker over unreturned car
Baron Geisler, Nadia Montenegro bicker over unreturned car

Nagpadala na ang PEP.ph ng mensahe kay Nadia upang makuha ang kanyang panig tungkol sa hinaing ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN