Sharon Cuneta unwittingly reveals real score between Julia Barretto and Joshua Garcia

IMAGE Nerisa Almo

After unintentionally revealing the real score between Julia Barretto and Joshua Garcia (middle and right), Sharon Cuneta (left) said, "Feeling ko common knowledge naman yung kinukuwento ko. Akala ko common ano na 'yon. Pero alam n'yo naman, di ba? Alam n'yo naman na sila, di ba?"


Sa hindi inaasahang pagkakataon, ibinisto ni Sharon Cuneta ang tunay na estado ng relasyon ng magka-love team na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nagsimula ito sa press conference ng pelikula nilang Unexpectedly Yours kahapon, November 25, nang tanungin ang Kapamilya young actors kung posible bang ma-in love online sa panahon ngayon.

Sabi ni Julia, “I don't know. I've never experienced it, e.

"Pero possible ho yun sa panahon ngayon.”

Ganito rin ang naging sagot ni Joshua, “Meron ho, kami hong mga millennial.

"Pero ako ho kasi, ayaw ko ng online. Siguro ho sa iba.”

Nakuwento ng dalawa na ganito ang mangyayari sa karakter na gagampanan ni Julia.

Pero nilinaw ng 20-year-old actress na malabo itong mangyari sa tunay na buhay.

“Sa movie po kasi, yung character ko ay na-in love po siya online.

"But as Julia, no, no, no, no!” sabi ni Julia.

SHARON'S REVELATION. Matapos magkuwento ang magka-love team, na tinatawag ng fans bilang JoshLia, sumingit ang The Voice coach na si Sharon upang ibahagi ang kanyang obserbasyon sa dalawa habang nasa set.

Panimula niya, “Ang nakakatuwa, puwede kong sabihin na during breaks—short breaks, long breaks—alam na namin kung paano nagligawan ito... Basta!

“Alam mo yung hindi ko akalain na at this age ay kikiligin ako.”

Kapansin-pansin na tila nagulat si Julia sa sinabi ni Sharon.

Sabi pa niya, “Kanina pa kami binubuking.”

Natatawang sagot naman sa kanya ng singer-actress, “Obvious naman!"

Pagkatapos, tuluyan nang binuko ni Sharon ang dalawa, “Alangan namang nakikipag-holding hands ka sa di mo kaano-ano.

“Siyempre, alam nilang boyfriend mo 'yan.

“Mahal na mahal nila ang isa't isa, grabe!

“Ang tawag ko diyan, B1 and B2—Bubba 1, Bubba 2. Kasi, yun ang tawagan nila, 'Bubba. Bubba.'”

Sharon Cuneta, binuking ang #JoshLia! ???? #UnexpecedlyYourGrandMediaLaunch

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Ilang sandali pa, tila napansin ni Sharon na ibinuko niya ang relasyon nina Julia at Joshua, na hindi pa tuwirang sumasagot tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ni Sharon, “Feeling ko common knowledge naman yung kinukuwento ko. Akala ko common ano na 'yon.

“Pero alam n'yo naman, di ba? Alam n'yo naman na sila, di ba?

“Dyusko naman, hindi naman makikipag-holding hands itong anak ko sa hindi niya kaano-ano.”

Samantala, bago ang pagkakataong ito, sinabi na ni Sharon na natutuwa siya sa love team nina Julia at Joshua.

Paglalarawan niya, “When I see kasi Julia and Joshua on the set, they're so cute together.

“They always made my day whenever I'm shooting kahit pagod kami.

“Nakakatuwa silang panoorin, 'Tingnan mo yung dalawa.'

“Nakakatuwa silang tingnan. Parang I live vicariously through them sa set.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN