Alice Dixson enjoys low-key relationship with non-showbiz boyfriend

IMAGE Rey Pumaloy

Alice Dixson on low-key relationship with non-showbiz boyfriend: "We've been together for about four years now, we'll be going five, and we like to keep quiet because that's the way we are."


Masayang kinumpirma ni Alice Dixson ang pagkakaroon niya ng smooth-sailing relationship sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alice sa pinakahuling blogcon para sa lumabas na niyang movie na Ghost Bride na pinagbibidahan ni Kim Chiu na ginanap sa Wang Fu Bistro, Vertis North, sinabi nitong apat na taon na ang relasyon niya sa nasabing non-showbiz guy.

Saad niya, “Alright, so we’ve been very quiet.

“We’ve been together for about four years now, we'll be going five, and we like to keep quiet because that’s the way we are.

“But because he works here in the Philippines and he’s being seen with me a lot sa mga functions, you’ll be seeing his face, but maybe not knowing his name yet.

“But eventually, you’ll probably know who he is, and maybe even soon.”

Tumanggi muna si Alice sa pagbigay ng ilan pang detalye tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend, tulad ng nationality nito.

Walang kaduda-dudang masaya si Alice sa kanyang lovelife ngayon base sa naggu-glow niyang mga mata sa gitna ng usapang ito tungkol sa kanyang kasintahan.

LESSONS LEARNED FROM PAST RELATIONSHIP. Tinanong namin ang mahusay na aktres kung ano ang natutunan niya sa nakaraan niyang relasyon para maiwasang hindi na maulit ang mga pagkakamali sa kasalukuyang love life?

Sumagot agad si Alice, “Definitely, in my marriage, the first thing I learned when I had a difficult divorce is that you really cannot change somebody.

“So, it’s a matter of accepting and not changing them.

“That was one of my big lessons that I learned.

“I think yun, e. Kasi simple lang naman ako.

“I’m not looking for wealth. If he’s handsome, bonus na lang yun.

“But yung ugali talaga ng tao ang hinahanap ko.”

ENDEARING TRAITS. Ano ba yung mga good qualities ng boyfriend niya na siyang dahilan kung bakit nagtagal sila nang apat na taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon agad ni Alice, “Siyempre, he makes me laugh. He’s very smart. He’s very tall.

“He’s like a Prince Charming to me.”

Nang matanong si Alice kung gaya ba niyang sporty o athletic ang kasintahan?

Mabilis niyang sagot, “Of course!

“I couldn’t be with somebody who is not also athletic.”

NO WEDDING PLANS—YET. Mabilis ding sumagot at tumawa pa si Alice nang tanungin naman namin ito tungkol sa posibilidad ng kasalan.

Mabilis niyang sagot, “No.

“No, because we've both been married before and we've both been divorced.

“So, that’s not really our priority at this time.

“So, we’re just enjoying our days together.

Patuloy pa niya, “I think that marriage is something that you really…

“I don’t think a piece of paper can dictate how loyal, or how loving you will be.

“However, there are religions and there are people who do believe that you need to be married and I respect that.

“However, since I’ve come from that stage in my life, if marriage presents itself at the right time, I will consider it.

“But hindi pa ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN