Robin Padilla gives love advice to Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla's love advice to Joshua Garcia, "Kung ano itong meron ka na nararanasan mo sa kanya, tamisan mo pa nang tamisan."


Iba raw ang energy na ipinapakita ni Joshua Garcia sa tuwing nakikita siya ni Robin Padilla sa set ng bago nilang pelikulang Unexpectedly Yours.

Sa press conference nito na ginanap kahapon, November 25, tinanong sina Robin at Sharon kung sa naalala pa rin nila ang panahong una silang na-in love.

Sagot ni Robin, “Hanggang ngayon po nai-inlove pa rin po ako.”

Pagkatapos ay ibinaling niya ang atensyon sa co-star nilang si Joshua.

Sabi ng kilalang action star, “Ang maganda diyan, tingnan na lang natin si Joshua.

“Kasi, sa kanya ako kumukuha ng energy, e. Buhay na buhay itong batang ito.”

Habang nagpapatuloy, naging maingat si Robin sa kanyang sasabihin tungkol kay Joshua at ka-love team nitong si Julia Barretto.

Sabi ni Robin, “Yung pag-ibig niya... Kay Yanni [Julia], ha, hindi ko alam kung ano ang istorya ninyo, e.

“Pero sa shooting namin, masarap tingnan sila kasi nakakabata sila.

“Napakaraming alaala ang tumatakbo sa isipan [ko].”

Sa parehong press conference, ibinisto ni Sharon ang tunay na relasyon nina Julia at Joshua.

Aniya, “Mahal na mahal nila ang isa't isa.”


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship
Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship

LOVE ADVICE. Samantala, bilang kilala si Robin na napakaromantiko, tinanong siya kung ano ang maipapayo niya kay Joshua, na gaganap sa pelikula bilang kanyang pamangkin.

Sabi ni Robin sa binatang aktor, “Sabi nila, huwag na huwag kang mabubuhay sa nakalipas.

“Ang tamis ng kasalukuyan ang iyong namnamin.

“Kailanman ay huwag mong problemahin ang kinabukasan, 'yan ang advice ko sa 'yo.

“Kung ano itong meron ka na nararanasan mo sa kanya, tamisan mo pa nang tamisan.”

Sumang-ayon naman dito si Joshua.

Pag-amin niya, “Parang tumugma nga ang lahat. Ako kasi yung tao na overthinking.

“Oo, parang masyado akong excited sa mangyayaring kasunod, hindi ko ine-enjoy kung ano ang meron ngayon. Kaya thank you po.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

UNEXPECTED TEAM UP. Bagama't tila pahapyaw nang sinabi nina Robin at Sharon ang totoong estado ng relasyon nina Joshua at Julia, walang ibinigay na tuwirang kumpirmasyon ang magk-love team na kilala sa tawag na JoshLia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip, sinabi lang nila pareho na unexpected ang kanilang pagtatambal.

Pahayag ni Joshua, “Sabi ko nga sa kanya, unexpected ko siyang naging ano... Unexpected ko siyang naging kapares. 'Di ba, kasi nandito ka [sabay taas ng kamay], nandito ako [binaba ang kamay].”

Sabi naman ni Julia, “I'll be very honest, this was very unexpected, but this is one of Lord's biggest blessings to me. In God's perfect time talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN