Rachel Peters thanks Filipinos for supporting her at Miss Universe 2017 pageant

IMAGE Instagram account of Rachel Peters

A night before the Miss Universe pageant, Philippine bet Rachel Peters thanks all Filipinos who supported her in the Miss Universe 2017 pageant. She also said that it's now time for her to do her part in winning the Miss Universe crown.


Nagpasalamat ang Philippine bet Rachel Peters sa lahat ng mga Pilipinong sumuporta sa kanya sa Miss Universe 2017 pageant.

Kahapon, November 25, ay sabay-sabay na nagtulung-tulong ang ilang celebrities at netizens para sa naganap na online voting ng Miss Universe 2017 bago ito nagsara.

Number one trending topic rin kahapon ang hashtag na #Philippines sa Twitter (Philippines).

Sa Instagram post ni Rachel kaninang umaga, November 26 (Manila Time) ay nagpasalamat din siya sa Miss Universe para sa mga naging experience niya sa pagsali sa prestigious beauty pageant.

Ayon pa kay Rachel, para na rin daw siyang nanalo dahil sa mga natutunan niya at naging kaibigan niya nang sumali siya sa pageant.

Saad niya, "One more sleep!!  @missuniverse Thank you for a truly amazing experience. I've learnt so much about myself these last few days and have made many wonderful friends that no matter what happens tomorrow, I already feel like a winner!"

Sabi pa ng 26-year-old candidate, pagkatapos ng pagpapakita ng suporta ng mga Pilipino sa kanya ay panahon naman para gawin niya ang kanyang parte sa kumpetisyon.

"Philippines, it's been such an honor to wear THE sash and to represent you. You've all been incredible (it blows my mind) and you've all done you're part.. now it's time for me to do mine!  MAHAL KO PO KAYONG LAHAT"

Bukas ng umaga, November 27 (Manila time) gaganapin ang Miss Universe 2017 pageant sa Las Vegas, Nevada, USA.

Kabilang si Rachel sa 92 na kandidata na maglalaban-laban para sa titulo.


Stories We Are Tracking

Vice, Iñigo, Megan, Kim encourage Pinoys to vote for Rachel
Vice, Iñigo, Megan, Kim encourage Pinoys to vote for Rachel


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN