Jake Ejercito denies dating Maine Mendoza; mum on IG Stories post

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

Through a text message, Jake Ejercito denied that he's dating Maine Mendoza. He also refused to comment on his viral Instagram Stories post yesterday, November 25, which showed a pic of a girl with her hands covering her face. Fans speculate that the girl in the photo is Maine, based on the watch she's wearing.


“No comment.”

Ito ang sagot ni Jake Ejercito sa tanong namin kung si Maine Mendoza ba ang babaeng nakatakip ang mukha sa kanyang Instagram Stories kahapon, November 25.


Sumagot si Jake sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Linggo ng gabi, November 26.

Usap-usapan na simula kahapon ang nasabing IG story ni Jake, lalo na ng mga tagahanga ng AlDub—ang pangalan ng love team nina Maine at Alden Richards.

Kagabi pa nagpadala ng text message ang PEP kay Jake, ngunit ngayong gabi lamang siya tumugon sa aming mensahe.

Kumpletong mensahe ni Jake, “No comment na lang muna ako.”

Sunod naming tinanong sa anak ni former President and now Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada kung nagdi-date sila ng tinaguriang Dubsmash Queen.

Sagot ni Jake, “Hindi rin, hahaha.”

MAINE ADMITS JAKE IS A FRIEND. Samantala, sinagot na rin ni Maine ngayong araw ang totoong estado ng relasyon nila ni Jake.

Ayon kay Maine, magkaibigan lang sila ni Jake na nakasama niya sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula pa noong January 2016.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito
Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito

Matapos nito, nag-post naman ng isang mahabang open letter si Maine sa kanyang blog kunsaan ikinuwento niya ang mga nangyari sa kanyang buhay simula nang makilala siya sa Eat Bulaga!

Ayon pa kay Maine, sana raw ay maintindihan ng AlDub fans na may buhay rin siya sa labas ng kanilang love team ni Alden.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN