PH bet Rachel Peters secures spot at Top 16 of Miss Universe 2017

IMAGE Miss Universe on Facebook

Philippine bet Rachel Peters enters Top 16 of the Miss Universe 2017. The pageant's grand coronation night is currently happening at the Axis Theater in Planet Hollywood Resort and Casino in Las Vegas, Nevada, USA.


Pasok sa Top 16 ng Miss Universe 2017 pageant ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters.

Sa taong ito, hinati-hati sa continents ang pag-aanunsiyo ng Top 16—tig-aapat sa mga kontinenteng Africa/Asia-Pacific, Europe, at Americas.

Maliban sa kanila ay may apat ding wildcards na galing sa iba't ibang rehiyon.

Ang Top 4 sa Africa/Asia-Pacific ay ang mga kandidata mula sa Thailand, Sri Lanka, Ghana, at South Africa.

Ang mga nakapasok naman mula sa Europe ay ang mga kinatawan mula sa Spain, Ireland, Great Britain, at Croatia.

Mula sa Americas, pasok sa Top 16 ang Colombia, USA, Brazil, at Canada.

Sa apat na wildcard semifinalists nakasali si Rachel Peters ng Pilipinas. Siya ang nag-top sa online voting.

Ang tatlo pang wildcard semi-finalists ay ang mga kandudata mula sa Venezuela, Jamaica, at China.

Kasalukuyang ginaganap ang nasabing pageant sa The AXIS, Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada kung saan ipapasa ng French beauty queen na si Iris Mittenaere ang korona.

NEW RULES. Ngayong taon, isang bagong sistema ang ginamit ng Miss Universe Organization upang mapili ang kanilang Top 16 semi-finalists.

Mula sa Preliminary Rounds ng beauty pageant noong nakaraang linggo, pumili ang mga hurado ng tig-tatlong semi-finalists mula sa bawat rehiyon.

Bukod dito, ang kandidata na may pinakamataas na online votes noong nakaraang linggo ay mapapabilang din sa semi-finalists.

Apat na Wildcard candidates din ang napiling makasama sa semi-finals.

Back to zero ang scores ng bawat kandidata. 

Ang mga judges sa grand coronation night na pipili sa bagong Miss Universe ay sina Wendy Fitzwilliams, Ross Mathews, Jay Manuel, Lele Pons, Megan Olivi, at ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Nagbabalik naman bilang hosts sina Steve Harvey at ang model na si Ashley Graham.

FAN VOTES. Maaari namang iboto ng Miss Universe fans ng kanilang paboritong semi-finalist sa bawat round ng pageant: (1) swimsuit competition; (2) evening gown competition; (3) final question and answer; at (4) final look.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dalawang paraan para maiboto si Rachel online ay (1) sa pamamagitan ng vote.missuniverse.com, at (2) sa paggamit ng hashtags na #MissUniverse at #Philippines sa bawat round ng competition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN