Sharon Cuneta jealous of JoshLia: "Nakikita ko sa kanila, hindi ko nakikita sa akin noon."

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta predicts long-term romance for Josh Garcia and Julia Barretto based on her own experience with past loves. She says, "They are so nice to watch together. They are so made for each other. I'm so in love with them, at saka yung values nila ay maganda. The way he takes care of her reminds me of... you know."


Ibinuko na ni Sharon Cuneta na mukhang mayroon nang relasyon sa totoong buhay sina Julia Barretto at Joshua Garcia, ano naman ang puwede niyang i-advise sa dalawa tungkol sa pag-ibig?

Nakatawang sabi ng Megastar, "Hindi, actually ano... I've told them ba na...

“Naks, heto na lang. Ang feeling ko... umamin na tayo.

“Dyusko naman," baling niya kina Josh at Julia na katabi lang niya during a presscon.

"Hindi, ayoko lang sana na ano...

"Yung lambingan nitong mga anak na parang walang kaanu-ano.

"E, mabuti na alam nila kasi mahal mo."

Dahil sa malawak ang naging karanasan ni Sharon sa buhay pag-ibig, marami ang maaari niyang ibahagi sa tambalang JoshLia.

Lahad niya, "Actually, parang ang nangyari, pag nakikita ko sila, naiinggit ako.

"No, because ang magnet ko noon, hind ko nilalahat, parang hindi ko alam.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa buhay na mali.

"Ako ba ang tagabayad ng utang ng tatay ko? Kapatid ko? Ganyan!

"Parang, di ba? Ako ang favorite na bunso.

"So, parang ang magnet ko mula nung ma-in love ako, mga sasaktan lang ako.

“Hindi naman lahat, pero some more than others, pero naiinggit ako kasi, nakikita ko sa kanila, hindi ko nakikita sa akin noon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon sa grand media launch ng pelikulang Unexpectedly Yours.

Ginanap ito sa Dolphy Theater, sa ABS CBN compound, noong November 25.

Tampok sa pelikula sina Josh at Julia, at si Robin Padilla na dating boyfriend ni Sharon noong kabataan nila.

IN LOVE WITH JOSHLIA. Nakikita nga raw ni Sharon kina Joshua at Julia ang potensiyal na magtatagal talaga ang dalawa.

Ani Sharon, "They are so nice to watch together.

"They are so made for each other.

"I'm so in love with them, at saka yung values nila ay maganda.

"I like  she's a dream daughter, and Josh is hardworking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He's such a good boy, the way he takes care of her reminds me of... you know."

Isa nga raw na nakikita ni Sharon, lalo na kay Joshua, ay ang sobrang pagiging devoted nito kay Julia.

Aniya "Yung devotion ni Josh, at yung ... si Josh kasi, feeling parang faithful

"Parang feeling ko ay may mararating ang dalawang ito, personal, life-wise, love life-wise.

“Because it's... kaya nga na-in love din ako sa kanila muna as individuals ’tapos siyempre...

"You watch them , and you're thinking... nakakaiyak nga.

"Parang how blessed you are, you don't know it.

"Ang akin lang, it's one thing to be a love team for public consumption.

“But, remember, you are two real life human beings, and you have each other.

"You've been there for each other, so please treasure each other because this business can do things to your mind.

“[It] can make you believe you can play around someone else's feeiings. It's not right!

“So, whether you're into… or not, ang daming babaeng na hahabol sa’yo.

"Ang daming lalaking hahabol sa’yo.

"So focus, it's the most important, you don't lose each other.

“Para pagdating ng araw, hindi kayo nagsisisi.

"So you end up with the love of your life.

"And you don't settle trying to find happiness everywhere… hindi ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN