Sharon Cuneta in awe of Joshua Garcia, Julia Barretto: "Walang kaplastikan. Hindi showbiz."

IMAGE Nerisa Almo

Sharon Cuneta describes Joshua Garcia and Julia Barretto's work ethic: "Professional, masarap kasama, tunay na mga tao, walang kaplastikan, hindi showbiz. Showbiz ay trabaho lang namin pero hindi pagkatao."


Kampante raw si Sharon Cuneta sa kinabukasan ng Philippine showbiz dahil sa mga katulad nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sa panayam matapos ang presscon proper ng pelikula nilang Unexpectedly Yours noong Sabado, November 25, puro magagandang salita ang binitawan nina Sharon at Robin Padilla para sa Kapamilya love team.

Sabi ni Robin tungkol sa magkatambal, na kilala sa pangalang JoshLia, “Professional itong mga batang ito.

“Nakakatuwa sila, kasi napakabata nila, pero napaka-humble.

“Importante kasi yung pagbibigay ng galang sa mga nakatatanda sa kanila.

“Nakita ko na hindi lang naman sa amin, pati sa crew magalang sila. Yun, gift na yun.

“Hindi kami pinaghihintay. Mahirap kasi yung pinaghihintay mo yung matanda, e.”

Mabilis namang sumang-ayon sa kanya ang Megastar.

Sabi ni Sharon, “Yung masyadong feeling sikat. Nadi-disappoint ako sa ibang mga batang ganun.

“Walang-wala sa kanila yun. For me, you see them talagang their feet on the ground.

“Professional, masarap kasama, tunay na mga tao, walang kaplastikan, hindi showbiz.

“Showbiz ay trabaho lang namin, pero hindi pagkatao.

“I love that I've seen that in them, kasi konti na lang yung ganun.”

Ayon pa sa singer-actress, tila nagkaroon siya ng pag-asang magiging maganda ang kinabukasan ng Philippine showbiz.

Aniya, “Sorry, hindi ko kilala yung iba, hindi ko pa nakatrabaho yung iba.

“Pero parang sa kanila, parang nagka-hope ako na may future. Parang kapag umalis...

“Hindi naman sa inaangkin ko, pero mahal ko ang industriya. Dito na ako lumaki, dito na ako nagkaanak, lahat.

“So, it's important to me na may napag-iiwanan, deserving ang position na ibibigay sa kanila dahil mahal sila ng mga tao.”


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta admits being jealous of JoshLia
Sharon Cuneta admits being jealous of JoshLia

ON JOSHLIA'S ACTING SKILLS. Kaugnay nito, pinuri rin ni Sharon ang kakayahan sa pag-arte nina Joshua at Julia.

Aniya, “I love working with them, parehong magaling.

“I think Julia, as expected, would be a wonderful leading lady to many, many other leading men...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito, pabirong humirit si Joshua, “Sa akin lang.”

Kaya bawi ni Sharon, “Ayun pala, exclusively to Joshua.”

Pagpapatuloy pa niya tungkol kay Julia, “But seriously, kahit anong gawin niya, putting aside the fact that she's from a famous family of beauties, the Barrettos, she has her own personality.

“When she's being herself, she's such a beautiful person inside and out.

“Sabi ko nga, dream daughter. God, I'd love to have her as my daughter.

“Marj is so blessed, nasa dugo, e, mas magaling pa nga, e.”

Sa kabilang banda, inihalintulad naman ni Sharon si Joshua sa mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz.

Sabi niya, “I'm so sorry, I know we all hate when we say that someone is gonna be the next me or the next Robin.

“But, parang may pattern lang siguro, pero hindi eksaktong ganun, na ang susunod kay Lloydie ay si Joshua.

“Doon ko nakikita sa kanya, kasi I'm a John Lloyd fan.”

Wala raw kahit anong ideya si Sharon tungkol kay Joshua hanggang sa makatrabaho na lamang niya ito sa Unexpectedly Yours.

Aniya, “'Tapos, noong nakatrabaho namin, you would appreciate yung talento, yung ugali.”


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship
Sharon Cuneta reveals status of JoshLia's relationship
Robin Padilla gives love advice to Joshua Garcia
Robin Padilla gives love advice to Joshua Garcia

JOSHLIA REACTS. Nagpasalamat naman ang Kapamilya love team sa mga magagandang salitang natanggap nila mula kina Sharon at Robin.

Sabi ni Joshua, “Nakaka-inspire po na katrabaho si Tito Robin. Idol ko na ho talaga siya.

“Kapag dumadating kasi siya sa set, talagang lahat binabati niya.

“Alam mo yung parang kakampanya, papuntang ganun na ho.

“Ako mismo, siyempre nahihiya ako kasi baguhan ako, tapos veteran actor na bumabati sa lahat.”

Dugtong naman ni Julia, “Mai-inspire silang katrabaho kasi sila mismo walang karekla-reklamo.

“Anong karapatan pa naming mag-inarte? Tahimik na lang kami. Trabaho na lang kami.

“Nakaka-inspire po 'yang ganyan, kasi they've been in the industry for a very long time, tapos hanggang ngayon, they're still very passionate sa ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nawawala yung fire sa heart nila sa ginagawa nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN