Robin Padilla elated over meeting grandson Alas for the first time

IMAGE Screen grab from Betchay Vidanes's Instagram

Robin Padilla on meeting his grandson for the first time: "Walang pinakamasayang tao nung araw na yun kundi ako."


Marami ang natuwa sa pag-aayos ng mag-amang Robin at Kylie Padilla nang personal na dalhin ng aktres ang anak na si Alas Joaquin sa binyag ng half-sister nitong si Isabella.

Naganap ito noong November 18, kung saan ang stepmother ni Kylie na si Mariel Rodriguez ang isa sa naging susi para matuldukan na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-ama.

Nag-post din ang aktor ng madamdaming mensahe sa kanyang Instagram, kung saan nagpahayag ito ng pasasalamat at tuwa sa pagpunta ni Kylie kasama ang apo na si Alas.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Robin sa  grand presscon ng pelikulang Unexpectedly Yours, na ginanap sa Dolphy Theater noong nakaraang Sabado, November 25, ibinahagi ng aktor ang saloobin sa pagkikita nila ng kanyang apo sa unang pagkakataon.

“Walang pinakamasayang tao nung araw na yun kundi ako," panimula ni Robin.

"Yung mahawakan ko yung apo ko, ang pogi, e!

"Ibang yugto na yun sa buhay ni Kylie, sana magtuluy-tuloy yung journey niya na maging one family, may bendisyon ng Diyos."

Ang tinutukoy rito ni Robin ay ang pagpapakasal sa hinaharap ni Kylie at ng kanyang partner na si Aljur Abrenica.

Patuloy ng aktor, "Ngayon, nandun na muna tayo sa nakita ko ang apo ko.

"Sana dumating yung panahon na iiwan din sa amin.

"Kasi dati, nanay ko, hindi ko maintindihan, bakit gustung-gusto nito na nasa kanya ang mga apo niya.

"E, totoo pala yun.

"Parang gusto ko na ring masanay na maraming bata.

"Pero hindi na ako mag-aanak, ha, apo-apo na lang.”

SHARON'S DONATION FOR MARAWI. Samantala, kamakailan ay nag-donate sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal ng P1.5 million para sa mga kababayan nating naapektuhan ng terorismo sa Marawi City.

Si Robin ang nilapitan ng mga ito para ipaabot ang kanilang tulong.

Isa rin sa sumunod na nagbigay ng tulong ay ang kapareha ni Robin sa Unexpectedly Yours na si Sharon Cuneta, na sinikreto ang halaga na ibinigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Robin, “Kahit ayokong sabihin kung magkano, [basta] maraming zero.

"Yung pera, hindi masyadong mahalaga yun, e. 

"Ang mahalaga dun, e, naniwala siya sa ipinaglalaban natin, sa cause natin.

"Thank you, Ma’am [Sharon], thank you. Narinig ninyong lahat, ha.”

Balik-tambalan nga sina Robin at Sharon sa Unexpectedly Yours, kung saan kasama rin nila ang tambalang JoshLia nina Joshua Gracia at Julia Barretto.

Excited si Robin na naging kapareha muli ang Megastar pagkatapos ng halos 16 taon mula nang huli silang magkatrabaho.

“Siyempre matagal kaming di nakagawa ng pelikula na makakapagbigay ng kaligayahan kaya ako ay nasasabik.

"Ako mismo ay nasasabik na mapanood ang mga pinaggagawa ko dito.

“Pinaka-exciting ito sa akin kasi dumating ito sa edad na di alanganin. Yung talagang distansiya ng edad, sakto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN