Coco Martin downplays competition with Vice Ganda, Vic Sotto at MMFF 2017

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin says viewers' happiness is his top priority in making an MMFF movie. "Lagi kasi akong naniniwala sa word of mouth. Gusto ko yung mga tao ang mas magsasabi. Doon ako sa quality. Gusto ko, proud ako sa ginagawa ko."


Magkahalong sabik at nerbiyos daw ang nararamdaman ni Coco Martin sa pagtatapat ng mga pelikula nila nina Vice Ganda at Vic Sotto ngayong Metro Manila Film Festival 2017.

Sa darating na Pasko, sabay-sabay na magbubukas sa mga sinehan ang Ang Panday ni Coco, ang Gandarrapido The Revengers Squad ni Vice, at Meant To Beh ni Vic.

Maliban sa pagiging bida, si Coco rin ang direktor at producer ng Ang Panday.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Honestly, excited ako. Pero noong binubuo na itong pelikula, ninenerbiyos ako.

"Kasi si Vice 'yan, mag-best friend kami, tapos ilang pelikula kaming magkasama."

Unang nagkasama sina Coco at Vice sa MMFF 2015 entry na Beauty and the Bestie.

Para sa MMFF din sana ang pelikula nila noong 2016, ang The Super Parental Guardians, ngunit hindi ito nakapasok sa walong official entries.

Gayunman, tumabo pa rin ito nang husto sa takilya nang ipalabas sa mga sinehan bago mag-Pasko noong nakaraang taon.

Ngayong taon ang unang pagkakataong magkakatapat ang mga pelikula nila.

Habang ginagawa ang Ang Panday, hindi raw naisip ni Coco ang kumpetisyon.

Bagkus, aniya, “Sabi ko sa sarili ko, gagawin ko siyang inspirasyon.

“Kailangan kong gandahan ang pelikula ko.

“Kapag hindi maganda ang pelikula ko, definitely, hindi gaanong tatangkilikin.

“Wala akong ibang panlaban, e. Ang panlaban ko lang, basta maganda ang pelikula ko.

“Honestly, kapag sinabing blockbuster 'yan, si Vice Ganda 'yan at saka si Bossing [Vic].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling entertainment writers si Coco sa isang intimate lunch na ginanap sa Victorino's restaurant, sa Jamboree St., Quezon City, ngayong Huwebes, November 30.

COCO'S STRATEGY. Dahil tila magiging matindi ang labanan sa takilya ngayong MMFF 2017, umaasa si Coco sa tinatawag na “word of mouth” para mahikayat ang mga tao na manood ng Ang Panday.

“Honestly, kapag tinanong mo ako, inspirasyon ko sila, kasi kailangan kong gandahan ang pelikula ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kung gagawa lang ako ng pelikulang pangit, bakit pa ako sumali sa Metro Manila Film Fest?

“Siyempre, kapag sumali ka sa Metro Manila Film Fest, dapat sa mga tao.

“Lagi kasi akong naniniwala sa word of mouth.

“Gusto ko yung mga tao ang mas magsasabi.

"Doon ako sa quality. Gusto ko, proud ako sa ginagawa ko.”

Bukod dito, magiging puspusan na rin daw ang pagpu-promote niya ng kanyang first directorial project.

Saad ni Coco, “Kailangan ako ng pelikula ko to promote.

“Kailangan kong magsipag, kumbaga, yung dedication ba.

“Kaya ngayon, ganun ako ka-passion, e. Kahit tapos na yung pelikula, passionate ako pati sa pagpu-promote, pati yung paggawa ko ng mga kanta-kanta, ginagawa ko, e.

“Gusto ko sulit, e. Gusto kong sulitin yung ano ng mga tao.

“Gusto ko, sila yung magsasalita para sa proyektong ginawa ko.”

Sa huli, sinabi ni Coco na pinakamalaking fulfillment pa rin ang makitang napapasaya ang mga manonood.

Pahayag niya, “Excited na ako kasi gusto ko nang maipakita sa kanila.

"Kinakabahan kasi hindi ko alam kung magugustuhan nila, ng viewers.

“Pero sabi ko nga, ang fulfillment nito ay, para sa akin, hindi kung blockbuster, siyempre galing kami sa indie.

“Ang fulfillment nito ay kapag nagustuhan ng mga tao ang gawa ko.

“Sabi ko nga, nung ano, 'Sige na, okay na 'yan.' Basta gusto ko maganda ang kalabasan.

"Ang gusto ko, masulit ko ang ibabayad ng mga tao."

Bukod sa Ang Panday, The Revengers, at Meant To Beh, kabilang din sa MMFF 2017 ang mga pelikulang All of You, Deadma Walking, Haunted Forest, Larawan, at Siargao.


Stories We Are Tracking

Last four MMFF 2017 entries based on finished films are...
Last four MMFF 2017 entries based on finished films are...


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN